• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kalmadong baybay-dagat, gawing oportunidad para sa oil spill cleanup – UP experts

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 25, 2023
in Balita, National
0
Kalmadong baybay-dagat, gawing oportunidad para sa oil spill cleanup – UP experts

Photo courtesy: Philippine Coast Guard via MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ipinahayag ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) nitong Biyernes, Marso 24, na magandang oportunidad ang pagkalma ng mga baybay-dagat para isagawa ang oil spill clean up sa Oriental Mindoro, kung saan lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28.

“Weaker winds and calmer seas allow for larger oil slicks to form because of less disturbance from waves,” paliwanag ng UP MSI sa inilabas nitong bulletin kagabi.

Binanggit din nitong humigit-kumulang 162.6 square kilometers ng posibleng langis, sa kaparehong lugar ng Quezon City, ang namataan bilang discrete oil slicks sa hilagang-kanluran at timog-silangan ng lumubog na tanker.

Ito ay ayon umano sa pinakabagong ulat ng US National Oceanic and Atmospheric Administration na nakabase sa satellite image na kinuha kahapon dakong 10:15 ng umaga.

“The slicks floating in the area  around the sunken tanker show that oil was still leaking out as of yesterday, March 23,” saad ng UP MSI.

“Calmer seas and larger slicks should be taken as an opportunity to collect the oil in slicks near the sunken tanker using booms and skimmers and ramp up cleanup efforts to prevent the oil from spreading further,” pagbibigay-diin pa nito.

Wala naman umanong namataang oil spill sa timog na bahagi ng Mindoro sa kabila ng maaliwalas na kalangitan.

Tinatayang 800,000 litro ng industrial fuel oil ang karga ng nasabing MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro. 

Previous Post

Ayn Bernos, nakakaranas ng mabilis na pagtaas ng timbang dahil sa PCOS

Next Post

LA Tenorio, nagdasal sa Antipolo cathedral vs colon cancer

Next Post
LA Tenorio, nagdasal sa Antipolo cathedral vs colon cancer

LA Tenorio, nagdasal sa Antipolo cathedral vs colon cancer

Broom Broom Balita

  • ₱4.1M smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga
  • Teves, pinatawan ulit ng 60-day suspension
  • Ex-Rizal mayor, ipinaaaresto sa graft
  • P700,000 halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Danao City
  • ‘May milagro’: Pipay, kabog sa viral glow up post
₱4.1M smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga

₱4.1M smuggled na sigarilyo, nakumpiska sa Zamboanga

May 31, 2023
Teves, pinatawan ulit ng 60-day suspension

Teves, pinatawan ulit ng 60-day suspension

May 31, 2023
Ex-Rizal mayor, ipinaaaresto sa graft

Ex-Rizal mayor, ipinaaaresto sa graft

May 31, 2023
Higit P1.4-M halaga ng pekeng sigarilyo, nasamsam sa Maynila

P700,000 halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat sa Danao City

May 31, 2023
‘May milagro’: Pipay, kabog sa viral glow up post

‘May milagro’: Pipay, kabog sa viral glow up post

May 31, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Babae, patay sa pagkahulog mula ika-14 palapag ng isang condo sa Malate

May 31, 2023
Isang ‘showbiz icon,’ magbabalik-Kapuso!

GMA Network, ‘di inasahan ang tuluyang pagkalas ng TVJ sa TAPE Inc

May 31, 2023
DSWD, namahagi ng halos ₱4.4M ayuda sa Region 5

Mga may-ari ng nawasak na bahay sa bagyong Betty sa Ilocos, Cagayan inayudahan na!

May 31, 2023
‘Betty’, inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes ng gabi — PAGASA

‘Betty’, inaasahang lalabas ng PAR ngayong Huwebes ng gabi — PAGASA

May 31, 2023
MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

MV ng HORI7ON para sa latest single ‘Lovey Dovey,’ sa South Korea na kinunan

May 31, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.