• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Solo parents at PWDs, hinikayat ni Lacuna na kunin na ang kanilang unclaimed allowances

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 24, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
Maynila, magsasagawa ng ‘Mega Job Fair’ sa Biyernes; publiko, inaanyayahan ni Lacuna na dumalo

FILE PHOTO (K R De Asis/MANILA PIO/FACEBOOK)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Biyernes ang lahat ng solo parents at persons with disability (PWDs) sa Maynila na kuhanin na ang kanilang unclaimed allowances sa City Hall.

“Please coordinate with our department of social welfare (DSW) to get your unclaimed allowance,” anang alkalde.

Ayon sa alkalde, inaalam pa ng city government ang dahilan kung bakit hindi nakukuha ng mga beneficiaries ang kanilang cash aid sa takdang oras.

Ibinunyag ng alkalde na natuklasan nila na libu-libong benepisyaryo pa ang hindi nakakuha ng allowance mula sa isinagawang payout sa huling bahagi ng taong 2022.

Base sa ulat ni DSW chief Re Fugoso, nabatid na mula sa 30,046 total PWD beneficiaries, nasa 19,993 lamang ang na-claimed habang 8,936 ang unclaimed.

Nasa 1,117 naman ang invalidated o inalis sa listahan.

Sa kaso naman ng solo parents, sinabi ni Lacuna na mula sa kabuuang 17,948 beneficiaries, 10,965 lamang ang nakapag-claim ng cash aid, 5,230 naman ang unclaimed at 903 ang invalidated.

Pinuri naman ng alkalde si Fugoso at ang kanyang grupo sa mabilis na distribusyon ng naturang mga benepisyo.
Umapela rin siya ng pang-unawa sa pag-invalidate sa ilang beneficiaries.

Paliwanag niya, “Medyo mahigpit kami dito, ipagpaumanhin po ninyo, pero meron tayong mga kababayan claiming to be solo parents pero pag dinalaw, hindi pala.”

Dagdag pa niya, “Kami po ay sumusunod lamang sa panuntunan kasi pondo po ‘yan ng lungsod.  Hindi pwedeng gastusin nang kaliwa’t -kanan at kailangan din naming i-liquidate yan.  Dapat yung release ng pondo ay tama at naibibigay na tama kaya ipagpaumanhin nyo.”

Nabatid na ang bawat solo parent at PWD sa lungsod ay nakakatanggap ng tig-P500 cash aid mula sa local government kada taon, bilang bahagi ng social amelioration program ng lungsod.

Ang naturang batas ay binuo at ipinasa noong si Lacuna pa ang Presiding Officer nt Manila City Council, ang posisyong hinawakan niya noong siya ay bise alkalde pa la.ang ni dating  Mayor Isko  Moreno.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

Paul Salas, umaming may trust issues; naging bitter sa ex-girlfriend

Next Post

Desisyon ng Comelec na iurong ang COC filing para sa BSKE, ikinatuwa ng Liga ng mga Barangay

Next Post
Desisyon ng Comelec na iurong ang COC filing para sa BSKE, ikinatuwa ng Liga ng mga Barangay

Desisyon ng Comelec na iurong ang COC filing para sa BSKE, ikinatuwa ng Liga ng mga Barangay

Broom Broom Balita

  • Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas
  • Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month
  • Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’
  • DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
  • Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

June 10, 2023
4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

June 10, 2023
Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

June 10, 2023
‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

‘Not true, misleading!’ Maine pinabulaanang itetelevise kasal nila ni Arjo

June 10, 2023
‘Love wins!’ Transwoman ‘pinakasalan’ ng jowa sa Lipa City

‘Love wins!’ Transwoman ‘pinakasalan’ ng jowa sa Lipa City

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.