• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mahigit 100 estudyante sa Cabuyao, naospital habang isinasagawa ang fire drill

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 24, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Mahigit 100 estudyante sa Cabuyao, naospital habang isinasagawa ang fire drill

Photo courtesy: Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tinatayang 104 mga estudyante sa Gulod National High School – Mamatid Extension sa Cabuyao, Laguna ang naospital umano matapos mahilo at mahimatay dahil sa init ng panahon habang isinasagawa ang fire drill nitong Huwebes, Marso 23.

Sa isang Facebook live kahapon, ibinahagi ni Mayor Dennis Hain na nagsimula ang nasabing fire drill mga alas-12:00 ng tanghali, kung saan pinapasok umano sa silid-aralan ang humigit-kumulang 3,000 mga estudyante.

“Doon sila’y nagsiksikan sa kabila ng init ng panahon,” saad ni Hain habang binanggit ding nasa 36°C hanggang 43°C ang temperatura nang mga sandaling iyon.

Mga tatlong oras umanong naghintay ang mga estudyante sa silid-aralan habang wala man lamang tubig at pagkain. Matapos iyon, pinalabas na umano sila sa open field kung saan nasa 30 minuto rin ang nilagi nila sa kabila ng init ng panahon.

Ayon pa kay Hain, dahil sa sobrang init ay nagreklamo at nanghingi na ng tubig ang mga estudyante ngunit hindi umano sila napagbigyan.

“Hindi po napagbigyan sapagkat ang mga scout po ang nagma-manage, so siguro ay hindi rin abot ng kanilang kaisipan dahil mga bata rin sila,” saad ni Hain. “Meron nang inabot na doon ng pagkahilo at talagang nawalan ng malay. Ang ilan po ay nagsi-seizure.”

Agad naman umanong rumesponde ang Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang bigyan ng paunang lunas ang mga estudyanteng nahilo at nahimatay habang nagaganap ang fire drill.

“Sa kabuuan, 104 na mga estudyante mula sa GNHS – Mamatid Extension ang dinala sa Cabuyao City Hospital, at Ospital ng Cabuyao upang mabigyan ng karagdagang atensyong medikal,” anang CDRRMO sa kanilang Facebook post.

Ayon sa alkalde, ibinahagi ng doktor na halos lahat sa mga naging pasyenteng estudyante ang na-dehydrate at nakaranas ng hypoglycemia.

Napauwi rin naman umano ang karamihan sa mga estudyante makalipas ang ilang oras matapos maka-recover sa ospital. Samantala, tatlong estudyante raw ang minomonitor pa ng LGU.

Pinaalalahanan muli ng CDRRMO ang mga paaralang makipag-ugnayan sa mga awtoridad tuwing magdaraos ng mga drill upang maabisuhan umano sila ng mga tamang pamamaraan sa pagsasagawa nito.

Suspendido naman nitong Biyernes, Marso 24, ang klase sa nasabing paaralan dahil sa nangyaring insidente.

Previous Post

Marco Gumabao, payag sa ‘no label relationship’ nila ni Cristine Reyes

Next Post

Number coding scheme sa Abril 6-10, kinansela ng MMDA

Next Post
Number coding scheme sa Abril 6-10, kinansela ng MMDA

Number coding scheme sa Abril 6-10, kinansela ng MMDA

Broom Broom Balita

  • 42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado
  • Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13
  • Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas
  • Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month
  • Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado

June 10, 2023
Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

June 10, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

Karla Estrada ibinidang army reservist na siya: ‘Hindi ako basta mamshie!’

June 10, 2023
4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

4 batang nawala sa loob ng 40 araw sa Colombian Amazon, natagpuang buhay

June 10, 2023
Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

Bagong lava dome, nadiskubre sa bunganga ng Mayon Volcano

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.