• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 24, 2023
in Balita, World
0
Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo

(Handout / Vulcanology and Geological Hazard Mitigation Center / AFP via MB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila isang tore umano ng usok at abo ang ibinuga ng Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia matapos itong sumabog nitong Biyernes, Marso 24.

Sa ulat ng Agence France Presse, wala pa umanong naitalang nasugatan o napinsala ng nasabing pagsabog na naglabas na ng isang tore ng usok na may taas na 700 metro (0.4 miles) sa isang liblib na bahagi ng Indonesia.

Sa kabila nito, nagpatawa pa rin ang mga awtoridad sa lugar ng exclusion zone nang dalawang kilometro sa palibot ng bunganga sa probinsya ng East Nusa Tenggara.

Pinayuhan din ang mga kalapit na residente na magsuot ng mask upang maiwasan ang mga problema sa paghinga, ayon sa Volcanology and Geological Hazard Mitigation Center.

Inabisuhan din umano ang mga residenteng maging alerto sa maaaring panganib ng “lava flows” at “hot clouds”.

Hindi pa naman daw pinalilikas ang mga residente sa kalapit na lugar at nananatili sa third-highest level ang alert status ng Bulkang Ili Lewotolok.

Huling umanong nagkaroon ng malakas na pagputok ang nasabing bulkan noong taong 2020 na siyang nagpalikas sa libo-libong mga pamilyang naapektuhan nito.

Ang bansang Indonesia ay matatagpuan sa Pacific “Ring of Fire” at mayroong halos 130 aktibong mga bulkan.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo, muling pumutok ang Bulkang Merapi at naglabas na maiinit na lava at abo.

BASAHIN: Bulkang Merapi sa Indonesia, pumutok, naglabas ng lava

Previous Post

Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber

Next Post

Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Next Post
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Broom Broom Balita

  • DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano
  • ‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart
  • Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3
  • Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad
  • Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano

June 8, 2023
‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

June 8, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

June 8, 2023
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

Noodles sa supermarket sa Bukidnon sinalansan batay sa kulay ng Philippine flag

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.