• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 pulis-Cavite, timbog sa kasong sexual assault

Balita Online by Balita Online
March 24, 2023
in Balita, Probinsya
0
2 pulis-Cavite, timbog sa kasong sexual assault

(Cavite Police Provincial Office/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Dinakip ng pulisya ang dalawang pulis-Cavite dahil sa kinakaharap na sexual assault complaint sa Bacoor City kamakailan.

Nakapiit na sa Bacoor City Police Station sina Corporal Bryan Santiago Baladjay at Master Sergeant Rey Mendoza Pogoso, kapwa nakatalaga sa Imus City Police Station.

Sa paunang report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa apartment ng biktima sa Barangay Molino 3, Bacoor City nitong Marso 22 dakong 3:30 ng madaling araw.

Bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa kasintahan at tatlong iba pa sa loob ng apartment nito.

Dumating ang dalawang pulis at nakipag-inuman sa mga ito. Matapos ang dalawang oras, pinaakyat na ng kasintahan ang biktima upang magpahinga.

Gayunman, inutusan ng dalawang pulis ang kasintahan ng biktima na bumili ng alak.

Nang makaalis, kaagad na pumanhik ang dalawang pulis at isinagawa umano ang pang-aabuso sa biktima.

Nagawa namang makatakas ng biktima at sinaklolohan ng bumalik na kasintahan.

Kaagad na pumasok sa apartment ang magkasintahan at ikinulong ang kanilang sarili at nag-ingay.

Nang mapansin ng mga kapitbahay ang kaguluhan ay nagpasaklolo sila sa mga barangay tanod na nagresponde sa lugar, kasama ang mga pulis na umaresto dalawang suspek.

Kinasuhan na ng paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1977) ang dalawang pulis.

Previous Post

Kilalang pinakamatandang Hebrew Bible, isasapubliko sa Israel bago ibenta

Next Post

Ping Lacson, nag-react sa panukalang ‘menstrual leave’ ni Gabriela Rep. Arlene Brosas

Next Post
Ping Lacson, nag-react sa panukalang ‘menstrual leave’ ni Gabriela Rep. Arlene Brosas

Ping Lacson, nag-react sa panukalang ‘menstrual leave’ ni Gabriela Rep. Arlene Brosas

Broom Broom Balita

  • Pahayag ni Andrea na maraming ‘red flags’ kay Ricci kinalkal
  • Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi
  • Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon
  • Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online
  • Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog
Pahayag ni Andrea na maraming ‘red flags’ kay Ricci kinalkal

Pahayag ni Andrea na maraming ‘red flags’ kay Ricci kinalkal

June 10, 2023
Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

Crater glow, naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi

June 9, 2023
Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Preemptive evacuation, isinagawa dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 9, 2023
QCPD, nakorner ang nasa 17 drug suspek; P2-M halaga ng shabu, nasabat

Lalaki, nakorner ng may-ari ng motorsiklong kaniyang ninakaw, tangkang ibenta online

June 9, 2023
Grupo ng mga kababaihan sa PNP: Maging tagapagtanggol, ‘di salarin ng karahasan

Lalaking suspek sa panggagahasa ng kaniyang stepdaughter, timbog

June 9, 2023
Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na

June 9, 2023
Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

Kris Aquino, emosyonal na nawalay kay Bimby: ‘He deserves to enjoy being 16’

June 9, 2023
Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

Zephanie Dimaranan, naka-duet si American pop star Jeremy Zucker

June 9, 2023
Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

Muntinlupa court, inatasang tapusin paglilitis kay de Lima sa loob ng 9 buwan

June 9, 2023
Number coding scheme, suspendido sa Mayo 1

Number coding scheme, suspendido sa Hunyo 12

June 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.