• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Toxic mindset’ na eksena sa Batang Quiapo: ‘Sangla bahay, lupa para sa debut?’

Richard de Leon by Richard de Leon
March 23, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Toxic mindset’ na eksena sa Batang Quiapo: ‘Sangla bahay, lupa para sa debut?’

Susan Africa, Pen Medina, at Lovi Poe (Larawan mula kay Anne Roldan via FB page na Homepaslupa Buddies 3.0)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patok na patok ngayon sa Primetime ang seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin dahil marami ang nakaka-relate sa ilang mga eksena at pangyayari dito, lalo na sa mga taga-Quiapo.

Hindi maiiwasang may mga eksena rito na talagang napapanahon, o kung hindi man, matagal nang namamayani sa kulturang Pilipino.

Isa na rito ang itinuturing na isa raw “toxic mindset” ng mga Pilipino pagdating sa mga kasiyahan: handang magkandabaon-baon sa utang o magsanla ng mga ari-arian upang mairaos lamang ang mahahalagang pagdiriwang o okasyon gaya ng piyesta, kasal, binyag, o debut.

Ang debut party ay isang tradisyonal na okasyon sa buhay ng isang babae, kung saan magdiriwang nang bongga ang isang dalagita sa pagsapit ng kaniyang 18th birthday. May seremonya ito gaya ng “18 roses” at “18 candles” at imbitado ang malalapit na tao sa kaniyang puso—o kahit hindi malalapit, kahit mga kapitbahay at kaibigan ng kapitbahay, lalo na mga probinsya. Ang hindi maimbitahan, magtatampo.

Kaya naman, hindi naiwasan ng netizen na si Anne Roldan na mapa-react sa eksena sa serye kung saan isinanla ng mga karakter nina Pen Medina at Susan Africa ang kanilang property para lamang sa debut ng kanilang anak, na ginagampanan naman ni Lovi Poe.

“Di ko magets talaga ‘tong mindset ng pamilya na ‘to, isasangla ang bahay at lupa para sa Debut??” anang netizen sa Facebook page na “Homepaslupa Buddies 3.0.”

Screengrab mula sa FB post ni Anne Roldan via Homepaslupa Buddies 3.0

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Typical Filipino Mindset, utang pabongga today, gutom lubog utang tomorrow…”

“Nakakasad pero this is true base on my parents mindset. Mas nauuna ang pabongga, nangungutang para may pang-fiesta, birthday tapos para makapunta ang relatives papadalhan ng pamasahe back and fort kasama lahat ng angkan. Pag-uwi may pagkain na dala.”

“Utang now iyak later sakit ulo di makabayad.”

“Ito ‘yong mindset ng palaging ang iniisip ang sasabihin ng iba. Nang mga kamag anak, barkada, bisita. Pordoy pagkatapos sumabay sa uso ng payabangan.”

“Funny pero this is a hard truth. Despite sa hirap nang buhay may mga magulang, talagang will go desperate to go risk things para sa anak masaklap lang ‘yong consequences after anak din magsa-suffer.”

“Realidad ‘yan, gagawin ang lahat mabigay mapaligaya ang kanilang anak.”

“Ibig sabihin malapit sa katotohanan ang takbo ng kuwento ng Batang Quiapo, kuhang-kuha na naman ni Coco yung inis natin pero nood pa rin tayo nang nood…”

Ikaw, ano ang saloobin o pananaw mo tungkol dito?

Tags: debut partyFPJ's Batang Quiapotoxic Filipino mindset
Previous Post

Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

Next Post

‘Kinontra kapatid?’ Haring Bangis, pinagsabihan utol na si Rendon Labador vs Coco Martin

Next Post
‘Kinontra kapatid?’ Haring Bangis, pinagsabihan utol na si Rendon Labador vs Coco Martin

'Kinontra kapatid?' Haring Bangis, pinagsabihan utol na si Rendon Labador vs Coco Martin

Broom Broom Balita

  • Pagbasura sa petisyon ng piyansa ni de Lima, malaking bahid sa kasalukuyang administrasyon – Akbayan Party
  • ‘Tahimik, mabait daw ngayon!’ Suzette Doctolero wala sa mood mambarda, bakit kaya?
  • Taga-Makati, wagi ng ₱8.9M sa Mega Lotto 6/45
  • DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano
  • ‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

Taga-Makati, wagi ng ₱8.9M sa Mega Lotto 6/45

June 8, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

DSWD, handang tumulong sakaling sumabog ulit Mayon, Taal Volcano

June 8, 2023
‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

‘Nakahiga lang naman sila!’ Fans ng Voltes V, binira love scene sa Unbreak My Heart

June 8, 2023
Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

June 8, 2023
Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

Online lending app nagpapadala ng korona ng patay, ataul kapag delayed bayad

June 8, 2023
Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

Fans bet pumila para ‘magpahigop;’ Joshua, puwede na raw pang-Vivamax

June 8, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ posibleng sa Martes pa lalabas ng PAR

June 8, 2023
‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

‘Laban o Bawi?’ Eat Bulaga versus Eat Bulaga posibleng magsalpukan sa noontime

June 8, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

June 8, 2023
Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

Kendra Kramer flinex ang awards sa school; Doug at Chesca super proud

June 8, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.