• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lacuna: ‘Kalinga sa Maynila’ mas pinalakas, mas pinalaki, mas pinalawak

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 22, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

FILE PHOTO COURTESY: MANILA PIO/FACEBOOK

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tiniyak ni Manila Mayor Honey Lacuna na mas pinalakas, mas pinalaki at mas pinalawak pa ang ‘Kalinga sa Maynila.’”

Ito ang pahayag ni Lacuna, kaugnay ng dapat na asahan ng mga residente ng Maynila, sa pagpapatuloy ng pamahalaang lungsod ng kanilang regular meet and forum sa mga residente nitong Miyerkules kung saan may idinagdag na  ‘service fair’,  free medical consultation; job fair, at iba pa.

Ang nasabing forum na sinimulan ni Lacuna upang dalhin ng direkta sa komunidad at bigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipahayag ang kanilang saloobin, suhestyon at karaingan sa mismong alkalde ng Maynila. 

Sa pamamagitan nito ay naidi-direkta ng alkalde ang mga karaingan, suhestyon at saloobin ng mga residente sa kung anong departamento, tanggapan o kawanihan nauukol ang mga ito.

Sa nasabing fora, dinadala ng alkalde ang mga pinuno o hepe ng iba’t-ibang departamento upang sila mismo ang sumagot sa mga katanungan, hinaing at reklamo.

“Ito ang aming paraan upang ang ating pamahalaan ay maibaba natin sa ating komunidad nang sa gayon ay maramdaman nila ang ating paglilignkod nang di na nila kinakailangang tumungo pa sa City Hall,” ayon kay Lacuna.

“Kadalasan, idudulog nila ang concerns sa City Hall pero me mga pagkakataon na di natutumbok kung sino ang lalapitan kaya tayo na ang nababa ngayon para masagot nang diretso o matugunanang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” anang alkalde.

Ayon pa kay Lacuna, ang regular na ‘Kalinga sa Maynila’ ay hindi na ordinaryong ‘ugnayan’ kung saan ang mga Manilenyo ay karaniwang nagtatanong, nagbibigay ng suhestyon at nagrereklamo.

Ito ngayon aniya ay may dagdag na serbisyo para sa mga residente ng barangay at karatig na mga barangay.

Ang forum ngayong linggo na ginawa sa Barangay 177 sa Tondo (District 2), ay nagsimula ng alas-8:00 ng umaga habang ang service fair naman ay nagsimula ng alas-9:00 ng umaga.

Sa ginawa naman medical consultation, nagbigay din ng libreng gamot sa ilang kaso habang si Lacuna na isa ring doktor, ay nakiiisa sa pagbibigay libreng serbisyong pangkalusugan.

“Personal na titingin si Dra. Honey sa mga patients na pupunta sa medical consultation. Two in one, doktor na, nanay pa.  Abangan n’yo po ako,” pagtiyak pa ng alkalde.

Samantala, sinabi ni Lacuna na ang  job fair na kasama ng  forum ay bukas ‘di lamang sa barangay kung saan ginagawa ang forum  kundi sa lahat ng katabing  barangay.

Pinapayuhan niya ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen. 

Tags: Kalinga sa MaynilaManila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Next Post

Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla

Next Post
Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla

Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla

Broom Broom Balita

  • NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr
  • Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark
  • ‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals
  • Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers
  • Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!
NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

NAIA privatization, posibleng ipatupad sa 2024 — DOTr

June 7, 2023
Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

Halos ₱2.5M kush, nakumpiska ng BOC sa Clark

June 7, 2023
‘Rosal’ lumalakas pa rin habang nasa Philippine Sea

‘Chedeng’ bahagyang lumakas: PAGASA, wala pang inilabas na warning signals

June 7, 2023
Pari sa Pamahalaan: Kakulangan ng healthcare workers, tugunan

Herbosa: Covid-19 benefits, matatanggap ng healthcare workers

June 7, 2023
Nagtatago ng loose firearms? Mga bahay ni Negros Oriental Rep. Teves, ni-raid ng PNP

Preliminary investigation sa murder case vs Teves, sa Hunyo 13 na!

June 7, 2023
Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

Bail petition ni De Lima, ibinasura ng korte

June 7, 2023
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Biyahe sa EDSA, bumilis na! — MMDA

June 7, 2023
Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

Binata mula sa Laguna, kumubra na ng ₱55 milyong premyo sa PCSO

June 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

Para makatanggap din ng ayuda: Minors PWD, ipinasasama ni Lacuna sa listahan ng adult PWD

June 7, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

June 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.