• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

₱33.6M jackpot prize ng SuperLotto 6/49, pinaghatian ng dalawang lotto bettors

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 22, 2023
in Balita, National / Metro
0
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

(Unsplash)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinaghatian ng dalawang mapalad na lotto bettors ang mahigit sa ₱33.6 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng dalawang lucky winners ang six-digit winning combination ng SuperLotto 6/49 na 12-29-35-34-13-08, kaya naiuwi ng mga ito ang katumbas na jackpot prize na ₱33,643,692.60.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nabili ng mapalad na mananaya ang kanilang lucky tickets sa Pasay City sa Metro Manila at sa San Mateo, Rizal.

Upang makubra naman ang kanilang premyo, pinayuhan ni Robles ang mga ito na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Kailangan rin aniya ng mga ito na magprisinta ng dalawang balidong IDs at ang kanilang winning tickets.

Ipinaalala naman ni Robles na alinsunod sa TRAIN Law, ang lahat ng premyong lampas sa ₱10,000 ay kakaltasan ng 20% tax.

Ang mga premyo naman aniya na hindi makukubra sa loob ng isang taon matapos ang petsa nang pagkapanalo, ay awtomatikong ipo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

Muli ring umapela si Robles sa publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang SuperLotto 6/49 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. 

Tags: pcsoSuperlotto 6/49
Previous Post

Lamentillo, nagtapos mula sa PSG Training Program; bahagi na ng PSG

Next Post

Enrique Gil, nagbahagi ng kaniyang blessing!

Next Post
Enrique Gil, nagbahagi ng kaniyang blessing!

Enrique Gil, nagbahagi ng kaniyang blessing!

Broom Broom Balita

  • Dating ‘Yorme’ Isko nag-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers
  • PBBM, pinaalalahanan mga residente sa Albay na sumunod sa evacuation instructions ng LGU
  • Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’
  • 42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado
  • Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13
Dating ‘Yorme’ Isko nag-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

Dating ‘Yorme’ Isko nag-host sa Eat Bulaga; Paolo Contis, may mensahe sa bashers

June 10, 2023
PBBM, hinikayat mga Cebuano na patuloy na tumulong gov’t sa nation-building

PBBM, pinaalalahanan mga residente sa Albay na sumunod sa evacuation instructions ng LGU

June 10, 2023
Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’

Rendon Labador binanatan si Paolo Contis: ‘Sustento muna bago pa-premyo!’

June 10, 2023
Kapulisan sa Central Luzon, nakasamsam ng ₱51M halaga ng iligal na droga sa loob ng mahigit 3 buwan

42 Anakpawis members, nag-withdraw ng suporta sa CTGs; 3 MWP, arestado

June 10, 2023
Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

Gasolina, diesel may dagdag-presyo sa Hunyo 13

June 10, 2023
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Jeepney driver, dead on the spot nang barilin sa Batangas

June 10, 2023
Malacañang, pinabulaanan kumakalat na memo hinggil sa pagbabawas ng sahod sa govt employees

Malacañang, kinilala ang LGBTQ+ community ngayong Pride Month

June 10, 2023
Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

Karla, humingi ng paumanhin sa paggamit ng ‘Bagong Hukbong Bayan’

June 10, 2023
DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

DSWD chief, sumugod sa Albay sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

June 10, 2023
Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

Artist, gumawa ng 3D artwork ng mga pera sa ‘Pinas

June 10, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.