• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Revilla sa Immigration: ‘Kung hindi n’yo matutuwid iyang kalokohan n’yo, mag-resign na lang kayo!’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
March 21, 2023
in Balita, National / Metro
0
Revilla sa Immigration: ‘Kung hindi n’yo matutuwid iyang kalokohan n’yo, mag-resign na lang kayo!’

[FILE] Photo courtesy: SENATE PRIB/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinuna ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. nitong Martes, Marso 21, ang Bureau of Immigration matapos ang viral offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaang sa isang viral video na lumabas sa social media, isang Pinoy passenger ang tutungo sana sa Israel ang detalyadong naghayag ng kaniyang karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO). 

Ayon sa kaniya, may mga ‘hindi angkop’ na tanong ang IO sa kaniya hanggang sa hiningan umano siya ng kaniyang yearbook sa paaralan. Ang insidenteng ito ay naging sanhi para hindi ito makaalis ng Pilipinas, ilang oras bago ang nakatakdang oras ng pag-alis. 
Ang masahol pa, ang naturang traveller ay kailangan maglabas ng karagdagang halaga para mabayaran ang gastos sa rebooking ng flight. 

Ayon kay Revilla, marami raw natatanggap ang kaniyang opisina na mga reklamo hinggil sa paglaganap ng arbitrary offloading sa NAIA, at nasa proseso na sila ng pag-iimbestiga bago pa pumutook ang isyu.

“Tinitingnan na namin ito since last year, at eto at pumutok na. Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice inoffload despite our correspondence with BI,” anang senador.

“Ang katwiran ng BI, iba raw yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala daw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?,” tanong naman niya.

“Sa pagkakataong ito, it looks like the solution being implemented is worse than the problem,” anang senador.

Ayon sa BI, sa 32,404 na Pilipino ang na-offload noong 2022; nasa 472 ang nauugnay sa human trafficking, 873 ang umano’y ‘misrepresented’, habang 10 ang menor de edad.

“Sa lagpas 30,000 na inoffload at inabala ng immigration na yan, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakakagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” saad ni Revilla.

“Over 95% talagang inabala at pinagastos lang. Ibig sabihin, isa lang sa bawat dalawampung inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan? Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance,” pagbibigay-diin pa ng Senador.

Patuloy ang pagkadismaya ni Revilla kaya aniya kung hindi pa matatapos ang umano’y kalokohan ang mga kawani ng BI ay mag-resign na lamang ang mga ito.

“Anong nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise! Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid iyang di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!”

Naniniwala ang senador na ang ginagawa ng BI ay isang pagsasawalang bahala sa karapatan sa paglalakbay ng mga Pinoy.

Ipinaliwanag din niya na maaaring ito’y isang tahasang paglabag sa kapangyarihan ng Korte na mag-isyu ng Hold Departure Orders (HDO) nang may dahilan. 

“Parang daig pa nila ang korte. Napaka-absurd yata na yung nakagawa ng krimen, basta’t walang HDO makakaalis, pero yung mga ordinaryong Pilipino na gusto lang makaranas ng bakasyon sa ibang bansa, basta-basta lang iniipit at hindi pinaaalis. Over-stepping na yan,” ani Revilla.

“This is obviously being abused. Napakalaki ng latitude being given to these IOs. Sobrang broad ng authority at ng discretion. Daig pa nila mga consul sa pag-iissue ng visa,” dagdag pa niya. 

Tags: bureau of immigrationSenador Bong Revilla
Previous Post

PCSO: Taya na! Milyun-milyong papremyo ng lotto, naghihintay mapanalunan ngayong Martes ng gabi!

Next Post

Baklang-bakla! Pia Wurtzbach, viral na naman dahil sa pilyang hirit na Vitamin D sa fiancé

Next Post
Baklang-bakla! Pia Wurtzbach, viral na naman dahil sa pilyang hirit na Vitamin D sa fiancé

Baklang-bakla! Pia Wurtzbach, viral na naman dahil sa pilyang hirit na Vitamin D sa fiancé

Broom Broom Balita

  • Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee
  • Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan
  • Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal
  • Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC
  • PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’
Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee

Pia Wurtzbach, nag-sorry kay Ricky Lee

September 24, 2023
Auto Draft

Golf ball factory sa Taiwan, nasunog; 6 patay, mahigit 100 sugatan

September 24, 2023
Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

Zubiri, hinikayat PCG na putulin floating barrier ng China sa Panatag Shoal

September 24, 2023
Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

Pilipinas, pang-13 sa medal tally sa 19th Asian Games — PSC

September 24, 2023
PBBM sa ₱20 kada kilo ng bigas: ‘May chance lagi ‘yan’

PBBM sa DSWD: ‘Tulungan ang sari-sari stores na apektado ng rice price caps’

September 24, 2023
China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

September 24, 2023
Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

Hontiveros, binigyang-pugay ang mga Pinoy seafarer

September 24, 2023
Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

Ricci, Leren naispatang magkahawak-kamay; Bea Alonzo, ‘nakaladkad’ ulit

September 24, 2023
Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

Banat ni Joey tungkol sa depresyon noong 2017, inungkat ng netizens

September 24, 2023
Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

Retired colonel imbyerna sa airport; 2 Chinese nakatambay sa Heroes’ Lounge

September 24, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.