• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress, may malaking banta sa kalusugan – eksperto

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 21, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
Oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress, may malaking banta sa kalusugan – eksperto

Photo: Philippine Coast Guard via MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May malaking banta sa pampublikong kalusugan ang patuloy na kumakalat na oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress tanker sa Naujan, Oriental Mindoro, ayon sa isang health expert nitong Lunes, Marso 20. 

Lumubog ang nasabing tanker na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil noong Pebrero 28 at sa ngayon ay patuloy pa rin umanong nananalanta sa mga baybay-dagat sa Oriental Mindoro, Palawan at Antique.

Sa panayam ng DZRH kay Health Reform Advocate Dr. Anthony “Tony” Leachon, ibinahagi nito na maaaaring maapektuhan ng oil spill ang kalusugan ng mga residenteng malapit sa mga naapektuhang baybay-dagat. Ito ay sapagkat nakasasama umano ang oil spill sa mga bahagi ng katawan na tao tulad ng baga, balat, at puso ng isang tao.

“Halos lahat ay apektado dito dahil papasok ‘yan sa inyong sistema. Ang iba ay nagkakaroon ng chronic lung disease at nagkaka-cancer,” ani Leachon.

Sa tala ng pamahalaan, nasa 149,503 indibidwal o 32,269 pamilya na ang naapektuhan ng nasabing pagkalat ng oil spill.

Ayon kay Leonchon, nasa 122 na indibidwal na rin umano sa Oriental Mindoro ang naitalang nagkasakit. Inaasahan pa umano itong dumami kung hindi pa tuluyang mareresolba ang nasabing insidente.

Inabisuhan naman na umano ang Local government units (LGUs) ng mga apektadong lugar na bumuo ng isang dokumentasyon ng masamang epekto na nararanasan ng mga residente dahil sa nasabing oil spill.

Kamakailan lamang ay isiniwalat naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na tinatayang ₱5-milyon ang nawawala sa sektor ng pangisdaan kada araw at 19,000 mga mangingisda ang naepektuhan dahil sa insidente.

BASAHIN: Sektor ng pangisdaan, nawawalan ng ₱5M kada araw dahil sa oil spill – BFAR

Previous Post

Cleanup drive sa nasunog na palengke sa Baguio, natapos sa loob ng 7 araw; manininda, balik-operasyon na

Next Post

The Weeknd, opisyal nang ‘world’s most popular artist’ – GWR

Next Post
The Weeknd, opisyal nang ‘world’s most popular artist’ – GWR

The Weeknd, opisyal nang ‘world's most popular artist’ - GWR

Broom Broom Balita

  • CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel
  • Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA
  • Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh
  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
CBCP, naglabas ng bagong bersiyon ng Oratio Imperata laban sa COVID-19

CBCP, sumuporta sa panawagan ng Santo Papa na itigil ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel

June 6, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Chedeng, bahagyang lumakas – PAGASA

June 6, 2023
Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh

June 6, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.