• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

VP Sara, pinuri ang mga Pangasinense sa pangangalaga ng Hundred Islands Park

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 19, 2023
in Balita, National/Probinsya
0
VP Sara, pinuri ang mga Pangasinense sa pangangalaga ng Hundred Islands Park

(Larawan mula sa FB page ni VP Sara)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pinuri ni Vice President Sara Duterte nitong Linggo, Marso 19, ang mga Pangasinense sa patuloy nilang pangangalaga sa Hundred Islands Park na may malaking kontribusyon umano sa ekonomiya ng Alaminos City, Pangasinan.

Ipinahayag ni Duterte ang nasabing pagpuri sa mga Pangasinense matapos makiisa sa pagdiriwang ng Hundred Islands Festival sa Plaza Marcelo Ochave, Alaminos City, kanina.

“Tunay na kahanga-hanga ang lungsod ng Alaminos at ang mga residente nito na patuloy na nagsusumikap para protektahan ang Hundred Islands National Park,” pahayag ni Duterte sa Facebook post.

Maituturing umano ang Hundred Islands National Park na isa sa mga nangungunang tourist destination sa Asya.

Ayon pa kay Duterte, laging handa ang Office of the Vice President (OVP) na tumulong sa mga residente ng Alaminos sapamamagitan ng “pagbibigay ng mga proyektong pang-entrepreneurship tulad ng Magnegosyo Ta ‘Day (MTD).”

“Layunin ng MTD na matugunan ang kakulangan ng hanapbuhay at dagdagan ang kita ng ating mga kababayan sa mga komunidad na mataas ang insidente ng kahirapan,” ani Duterte.

Ang nasabing MTD livelihood program ay isa na umano sa mga proyekto ni Duterte nang siya ay alkalde pa lamang sa Davao City. 

Ipinagpatuloy na rin ito OVP nang maging bise presidente si Duterte mula 2022.

Tags: Vice President Sara Duterte
Previous Post

NCRPO, handa na para sa seguridad sa Metro Manila sa nalalapit na Semana Santa

Next Post

San Miguel, nakapasok na sa semis sa PBA

Next Post
San Miguel, nakapasok na sa semis sa PBA

San Miguel, nakapasok na sa semis sa PBA

Broom Broom Balita

  • 91% ng mga Pinoy, sang-ayon sa boluntaryong pagsusuot ng face masks – SWS
  • Anne Curtis, aprub sa May-December affair ng mudra
  • Daryl Ong, inalala ang pumanaw na ina sa mismong araw ng kaniyang kaarawan
  • Morissette, wala raw binatbat sa ‘legendary’ anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco
  • Kiko Pangilinan sa mga tagasuporta: ‘We will not give up the fight’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.