• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

May-ari ng lumubog na MT Princess Empress, babahain ng compensation claims – Cong Pimentel

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 19, 2023
in Balita, National
0
May-ari ng lumubog na MT Princess Empress, babahain ng compensation claims – Cong Pimentel

Via MB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naniniwala si Surigao del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel na babahain ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress ng compensation claims mula sa libo-libong mga naapektuhan ng kumakalat na oil spill sa mga baybay-dagat ng bansa.

Sa pahayag ni Pimentel nitong Linggo, Marso 19, ibinahagi niyang dapat lamang ding mapanagot ang RDC Reield Marine Services Inc. na siyang mag-ari ng nasabing lumubog tanker na may kargang 800,000 litrong industrial fuel.

“We expect the oil tanker’s owner to be swamped with compensation claims from individuals and entities harmed by the spill, including those forced to conduct their own cleanup activities,” ani Pimentel.

Binanggit din ng mambabatas ang Republic Act No. 9483 o ang Oil Pollution Compensation Law of 2007 at sinabing responsable ang may-ari ng MT Princess Empress sa pinsalang polusyon ng nasabing oil spill.

Dahil dito, nararapat na maging responsable umano ang RDC sa gastos na natamo sa paglilinis ng mga baybay-dagat na nakontamina ng oil spill, pagkawala ng kita at pinsala sa kalusugan ng mga residente rito, at pinsala sa kapaligiran ng bansa na siyang naapektuhan ng oil spill.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 10 munispalidad sa mga probinsya ng Oriental Mindoro at Antique na ang nasailalim sa state of calamity dahil sa nasabing oil spill.

Sa prediksyon ng University of the Philippines Marine Science Institute, maaari pang pasukin ng mahigit pang oil spill ang baybay-dagat ng Calapan City, Oriental Mindoro.

BASAHIN: Calapan, maaaring pasukin pa ng mahigit pang oil spill – UP expert

Matatandaang naiulat na lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa Naujan, Oriental Mindoro dahil umano sa lakas ng alon.

Previous Post

Mayor Degamo, hihilinging patalsikin si Teves bilang kongresista

Next Post

Lacuna sa mga residente ng Maynila: Poste, center island, tulay, at estero, huwag gawing basurahan!

Next Post
Maynila, wala nang naitatalang COVID-19-related deaths – Lacuna

Lacuna sa mga residente ng Maynila: Poste, center island, tulay, at estero, huwag gawing basurahan!

Broom Broom Balita

  • Gamit ng mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, natagpuan sa sugar mill ni ex-Gov. Teves
  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
  • SC, ibinasura ang 22 graft, malversation charges vs Gov. Degamo
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.