• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lacuna sa mga residente ng Maynila: Poste, center island, tulay, at estero, huwag gawing basurahan!

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 19, 2023
in Balita, National / Metro
0
Maynila, wala nang naitatalang COVID-19-related deaths – Lacuna

Manila Mayor Honey Lacuna/File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Seryosong umapela si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente nitong Linggo na huwag gawing basurahan ang mga poste ng ilaw, center island, mga tulay at mga estero sa lungsod.

“Huwag naman po nating gawing tambakan ng basura ang mga poste ng ilaw, center island, tulay at estero,” panawagan pa ng alkalde.

Kasabay nito, inianunsiyo rin ni Lacuna na mas istriktong ipatupad ang waste segregation system at scheduling ng garbage collection sa lungsod.

Sinabi ni Lacuna na kapuna-punang inilalabas na ng karamihan ng  residente ang kanilang basura bago pa man dumating ang trak ng basura para kolektahin ito, kaya naman nagtatambakan ito at nagsisilbing eye sores sa mga kalsada.

“Araw-araw po ay talagang walang tigil ang mga kawani ng DPS (Department of Public Services) sa pagsunod sa mga basurang inilalagay sa mga di naman tamang lugar. Gusto ba ninyo parang dating sa Marikina na ‘yung alkalde, pag di pa panahon para ilabas ang basura at meron siyang nakita sa daan ay ibinabalik niya sa loob ng tahanan?” ayon pa kay Lacuna.

Idinagdag pa nito na: “Ngayon, magiging mahigpit na kami sa pagpapatupad ng segregation at may mga takdang araw kung kelan kokolektahin ang nabubulok at di nabubulok.”

Pinaalalahanan ng alkalde ang mga residente na may umiiral na city ordinance kaugnay ng  ‘Tapat ko, Linis ko’ program ng  local government na kung saan inoobliga ang bawat tahanan na panatilihing malinis ang kanilang harapan.

“’Wag po nating ugaliing madaling araw ay inilalabas ang basura tapos nilalagay sa mga center island, poste, gilid ng bakod o tulay kasi di magandang tingnan,” aniya pa.

Ipinaliwanag ni Lacuna na habang ang Executive Order No. 6 na nagtatakda sa bawat Biyernes ng Linggo bilang ‘cleanup day’ sa loob at labas ng  City Hall, kailangan pa ring panatilihin ang kalinisan kahit na anong araw.

Binigyang-diin rin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa  buong kapaligiran dahil nag-aanyaya ito ng mga turista at  investors na mangangahulugan ng pag-unlad ng lungsod maging ng mamamayan nito.

“Panatilihin po nating malinis ang ating lungsod dahil tayo dapat ang unang  nagmamahal dito. Mas malinis, mas maganda para sa ating lahat.  Ako ay nananawagan at pauna nang nagpapasalamat  sa mga tutugon sa ating panawagan,” sabi ni Lacuna.

Tiniyak rin ni Lacuna na patuloy na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat upang mapanatili ang kalinisan sa Maynila.

Gayunman, upang magtagumpay aniya ito, ay kailangan nila ang kooperasyon ng mga residente.

Labis din nadidismaya ang alkalde dahil sa walang tigil na paghahakot ng basura ng mga  concerned city personnel sa mga lugar na hindi naman dapat tapunan ng basura. 

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

May-ari ng lumubog na MT Princess Empress, babahain ng compensation claims – Cong Pimentel

Next Post

2 sundalo, sugatan; kagamitang pampasabog, narekober sa sagupaan vs CTG sa Cagayan

Next Post
2 sundalo, sugatan; kagamitang pampasabog, narekober sa sagupaan vs CTG sa Cagayan

2 sundalo, sugatan; kagamitang pampasabog, narekober sa sagupaan vs CTG sa Cagayan

Broom Broom Balita

  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
  • SC, ibinasura ang 22 graft, malversation charges vs Gov. Degamo
  • Japanese na tumutulong sa Mindoro oil spill cleanup, sugatan sa electric disc cutter
  • Bata sa UK, natulog sa tent ng 3 taon para sa ospital na nag-alaga sa namatay niyang kaibigan
  • Sassa Gurl, laman ng ‘homilya’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.