• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Trump, aarestuhin daw sa Martes, nanawagan ng protesta

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 18, 2023
in Balita, World
0
Trump, aarestuhin daw sa Martes, nanawagan ng protesta

Photo from AFP / MANILA BULLETIN

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nanawagan si dating US President Donald Trump sa kaniyang mga taga-suporta na magprotesta matapos niyang isiwalat na inaasahan niyang aarestuhin siya sa darating na Martes, Marso 21.

Ang inaasahang pag-aresto sa kaniya ay dahil daw sa umano’y “hush money” na ibinayad sa isang “porn star” bago ang nangyaring halalan noong 2016.

Sa ulat ng Agence France Presse, matapos umano niyang banggitin ang isang “leak” mula sa district attorney’s office ng Manhattan, sinulat ni Trump sa kaniyang Truth Social platform nitong Sabado ng umaga ang katagang: 

“Leading Republican candidate & former President of the United States of America will be arrested on Tuesday of next week. Protest, take our nation back!”

Nakasentro umano ang imbestigasyon sa $130,000 na ibinayad kay Stormy Daniels, na may totoong pangalan na Stephanie Clifford, para mapigilan itong isapubliko ang isang “affair” na sinasabing nagkaroon siya kasama si Trump ilang taon na ang nakakaraan bago ang halalan noong 2016.

Pinasinungalingan naman ni Trump na nagkaroon nga siya ng relasyon kay Daniels at sinabing ito lamang ay isang “illegal leaks” mula sa isang “corrupt & highly political Manhattan district attorneys office.”

Pinagdedesisyunan pa umano ng piskal kung ihahabla nila si Trump hinggil sa nasabing kaso.

Sa ulat pa ng AFP, sinabi ng abogado ni Trump na susuko ang kaniyang kliyente para harapin ang mga kaso laban sa kaniya kapag kinasuhan siya ng isang Manhattan grand jury.

Previous Post

Nasa 800,000 kabataang North Koreans, nagpatala sa hukbo para labanan ang ‘US imperialists’ — state media

Next Post

U.S. advance party na sasali sa ‘Balikatan’ 2023, darating na sa bansa sa Marso 20

Next Post
U.S. advance party na sasali sa ‘Balikatan’ 2023, darating na sa bansa sa Marso 20

U.S. advance party na sasali sa 'Balikatan' 2023, darating na sa bansa sa Marso 20

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.