• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: ‘Ayaw namin ipilit sa isa’t isa if we know that it won’t work’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
March 18, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: ‘Ayaw namin ipilit sa isa’t isa if we know that it won’t work’

Ashley and Mark (photos from their Instagram)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Ashley Ortega ang kaniyang saloobin tungkol sa breakup nila ni Lucena City Mayor Mark Alcala. 

Sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Marso 17, isa sa mga napag-usapan ang tungkol sa kaniyang lovelife. 

Bilang competitive actress, itinanong ni Boy, kung gaano siya ka-competitive pagdating sa pag-ibig.

“I’m very also competitive, Tito Boy. Kapag may mahal akong tao talagang ibibigay ko rin naman lahat ng makakaya ko,” sey ni Ashley.

“Ibibigay mo ang lahat at ipinaglalaban mo ba?” sundot na tanong ng seasoned TV host.

“Yes,” simpleng sagot ng aktres.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Boy, agad niyang itinanong kay Ashley ang tungkol sa kanila ni Lucena Mayor Mark.
 
“Hanggang saan mo ipinaglaban, hanggang saan mo ibinigay ang kaya mo? because it didn’t work,” tanong ni Boy.

“Pinaglaban ko naman until the very end but of course, we had a mutual agreement and I respected his decision and ayoko rin naman ipilit. Ayaw naming ipilit sa isa’t isa if we know that it won’t work. Kasi if we know na it won’t work, bakit pa ipaglalaban?” sagot ng ‘Hearts on Ice’ star.

“That’s actually one of the lessons I learned. Choosing your own battles wisely because not every battle is worth fighting for also, it’s just a lesson in life,” dagdag pa niya.

“What was not worth fighting for sa relasyon na ‘yun?” tanong pa ng TV host. Nagbigay rin siya ng example kung tungkol ba ito sa politika, ibang babae, o problema sa career. 

“Siguro, Tito Boy, naging busy kami sa work. And isa sa mga naging problem was yung distance. He was in his province, he was the newly elected mayor. I was busy with work, kakatapos ko lang ng Widow’s Web noon. And then I started training for Hearts on Ice sa skating. So medyo nawala siguro yung connection and communication,” paglalahad ni Ashley.

Gayunman, mutual decision ang kanilang paghihiwalay ni Mark. 

“We decided to better ourselves individually, mag-focus na lang muna sa career, and ayoko naman na ipilit pa if alam naman namin na mas lalo lang magiging toxic,” aniya pa.

Matapos ang anim na buwan ng paghihiwalay, hindi na raw nagkita at nag-usap sina Ashley and Mark.

“I have nothing against him, I’m not mad at him, or bitter at him. But since nga after the breakup, we never saw each other. Siguro now it’s more of I don’t really feel anything towards him because he was not a part of my life anymore and I’m fine with that,” ani Ashley.

“Ngayon I was able to move forward and I’m at peace. And I think with him also, I think he’s doing good with his career,” dagdag pa niya.

Noong Pebrero, kinakikiligan ng mga netizen si Lucena Mayor Mark dahil sa ‘kagwapuhan’ nito na umagaw ng pansin sa nakararami.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/21/kilalanin-lucena-city-mayor-mark-alcala-bagong-kinakikiligan-ng-netizens/

KILALANIN: Lucena City Mayor Mark Alcala, bagong kinakikiligan ng netizens!
Tags: Ashley OrtegaMark Alcala
Previous Post

7-day dry run extension ng exclusive motorcycle lane sa QC, sisimulan sa Marso 20 — MMDA

Next Post

Halos 1,800 sakong oil-contaminated materials, nakolekta sa Mindoro oil spill

Next Post
Halos 1,800 sakong oil-contaminated materials, nakolekta sa Mindoro oil spill

Halos 1,800 sakong oil-contaminated materials, nakolekta sa Mindoro oil spill

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.