• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

5 dayuhang takas, timbog sa magkakahiwalay na operasyon ng BI sa Boracay, Iloilo

Balita Online by Balita Online
March 18, 2023
in Balita, National / Metro
0
Sekyu na nakasuot ng uniporme ng mga parak, arestado sa Pasig

File Photo/Manila Bulletin

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Limang dayuhan ang arestado ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI), apat sa mga ito ay pinaghahanap umano sa kani-kanilang bansa dahil sa iba’t ibang kaso.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang mga dayuhan, apat na Indian at isang Taiwanese, ay naaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng bureau sa Iloilo City at Boracay, Aklan.

“These wanted foreigners will be expelled for being undesirable aliens and also for being undocumented as their passports were already cancelled by their respective governments,” ani Tansingco.   “We will also place them in our blacklist to ban them from re-entering the country.”

Tatlo sa mga Indian ang inaresto noong Marso 7 sa Iloilo City. Kinilala ang mga ito na sina Manpreet Singh, 23; Amritpal Singh, 24; at Arshdeep Singh, 26.

Sinabi ni BI-FSU chief Rendel Ryan Sy na ang tatlong Indian fugitive ay napapailalim sa warrants of arrest para sa mga kasong murder at iba pang ilegal na aktibidad.

Sinabi ni Sy na sa panahon ng operasyon ay nakasalubong ng arresting team ang isang Amrikh Singh, 33, na naaresto rin dahil sa hindi pagpapakita ng travel document at pinaghihinalaang illegal entry.

Inihayag din ni Sy na ang mga Indian ay iniimbestigahan ng gobyerno sa New Delhi para sa kanilang umano’y kaugnayan sa isang extremist group na kilala bilang Khalistan Tiger Force.

Arestado sa Boracay, Aklan si Taiwanese Lee He Zhan, 26, na wanted sa kanyang bansa dahil sa illegal drugs trade.

Isang warrant of arrest ang inilabas laban kay Lee ng district prosecutor’s office sa Diaotou, Taiwan kung saan siya kinasuhan ng paglabag sa narcotics hazard prevention act ng kanyang bansa.

Lahat ng limang dayuhan ay inilipat na sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportasyon.

Jun Ramirez

Tags: boracaybureau of immigrationiloilo
Previous Post

DOJ: Mga suspek sa pagpatay kay Degamo, isasailalim sa lookout bulletin

Next Post

Milyun-milyong patay na isda, bumara sa isang ilog sa Australia

Next Post
Milyun-milyong patay na isda, bumara sa isang ilog sa Australia

Milyun-milyong patay na isda, bumara sa isang ilog sa Australia

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.