• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

₱120M ‘puslit’ na poultry, seafood products nabisto sa Navotas

Rommel Tabbad by Rommel Tabbad
March 18, 2023
in Balita, Metro
0
₱120M ‘puslit’ na poultry, seafood products nabisto sa Navotas

(BOC/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinalakay ng mga awtoridad ang pitong cold storage facilities sa Navotas City nitong Biyernes na ikinasamsam ng ₱120 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na poultry at seafood products.

Kasama ng Bureau of Customs (BOC) ang mga tauhan ng Customs Intelligence, and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service (NMIS), at Philippine Coast Guard (PCG) nang lusubin nila ang mga storage facility sa nasabing lungsod.

Sa Facebook post ng ahensya, isinagawa ang operasyon batay na rin sa Letters of Authority na pirmado ng bagong commissioner ng BOC na si Bienvenido Rubio.

Si Rubio ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, sa nasabing puwesto nitong Pebrero.

Kabilang sa nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang poultry products na mula sa China na kinabibilangan ng frozen pork legs, chicken drumsticks, pork spareribs, squid rings, crayfish, pork ears, pork hinges, abalone, brawley beef, pork aorta, chicken feet, pork riblets, golden pampano, pangasius fillet, boneless pork ham, fish tofu, at pork ears.

Ang mga karneng baka naman ay nagmula pa sa Brazil at Australia, habang ang pork at pork ears ay galing ng Estados Unidos at Russia, ayon sa pagkakasunod.

Binigyan pa ng sapat na panahon ang mga may-ari ng kargamento upang makapaglabas ng papeles.

Tiniyak ng BOC na kakasuhan nila ang mga may-ari ng sakaling mabigong magharap ng kaukulang dokumento.

Previous Post

China, maaari na muling pasyalan ng mga Pinoy, iba pang foreign tourists

Next Post

Lalaking wanted sa pagnanakaw, timbog sa Pasay

Next Post
13 sasakyan, inararo ng mixer truck sa Laguna

Lalaking wanted sa pagnanakaw, timbog sa Pasay

Broom Broom Balita

  • Davao de Oro, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
  • David, dedma sa kuda ni Raquel; Morissette, finallow sa IG
  • Tropang LOL, hindi raw titigbakin, pero ‘lilipat-bahay?’
  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.