• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lamentillo, inilunsad ang dalawang bagong aklat na ‘Night Owl’

Balita Online by Balita Online
March 17, 2023
in Balita, Features, Night Owl
0
Lamentillo, inilunsad ang dalawang bagong aklat na ‘Night Owl’

MB PHOTO BY NOEL PABALATE

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pormal na inilunsad ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo ang dalawang bagong librong “Night Owl” sa isang seremonya na ginanap sa The Manila Hotel noong Martes, Marso 14.

Inilunsad ni Lamentillo ang Night Owl: Second Edition na kinabibilangan ng bagong kabanata sa programang Build Better More ng kasalukuyang administrasyon, na nagpapatuloy sa mga nasimulan ng Build, Build, Build; at ang isinalin na Night Owl: Edisyong Filipino.

Dalawang dating pangulo ang dumalo sa okasyon—si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at si Deputy House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Dumalo rin ang mga senador na sina Mark A. Villar, Christopher Lawrence “Bong” Go, Francis Tolentino, at Cynthia Villar; dating Transportation Secretary Arthur Tugade; dating Defense Secretary Delfin Lorenzana; dating National Security Adviser Hermogenes Esperon; Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade; Manila Bulletin President Dr. Emilio Yap III, gayundin ang iba pang opisyal ng gobyerno, ambassador, miyembro ng diplomatic corps, at media.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Lamentillo ang ilan sa kanyang mga karanasan bilang bahagi ng Build, Build, Build team—ang mga hamon na kanilang nilampasan at ang mga repormang kailangang isagawa.

“Isang malaking karangalan na mapabilang sa mga kalalakihan at kababaihan na nagpapakita ng tunay na pamumuno at serbisyo publiko. Lubos kong ipinagmamalaki na makasama ang 6.5 milyong Pilipino na nagtrabaho at nagsakripisyo upang maisakatuparan ang adhikain. Napakasaya na maging bahagi ng isang makabuluhang gawain para sa ikabubuti ng karamihan,” sabi niya.

Ang “Night Owl: A Nationbuilder’s Manual” ay nagsasalaysay ng paglalakbay ng bansa tungo sa pagpapabuti ng buhay at masaganang oportunidad na dulot ng programang pang-imprastraktura ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito rin ay ulat sa mga nagawa ng Build, Build, Build, partikular na ang 29,264 kilometrong kalsada, 5,950 na mga tulay, 11,340 estrukturang pang-iwas ng baha, 222 na mga evacuation centers, 150,149 na mga silid-aralan, 214 na mga paliparan, at 451 na mga daungan na itinayo sa panahon ng Administrasyong Duterte.

Bilang dating chairperson ng Build, Build, Build Committee sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), isinalaysay din ni Lamentillo sa libro kung paanong ang DPWH, sa pamumuno ni noo’y Kalihim Mark A. Villar, ay nakahanap ng solusyon sa mga problema sa right-of-way, mga ghost project, at hindi naabot na mga deadline.

“Sa pamamagitan ng Night Owl, nais naming maalala ang mga taon ng Administrasyong Duterte bilang isang kilusan ng sambayanang Pilipinong nagnanais ng pagbabago at kumilos para maisakatuparan ito. Mataas ang ating pangarap para sa ating bansa,” sabi ni Lamentillo.

Ang Night Owl ay inakda ni Lamentillo, inedit ni AA Patawaran at Richard de Leon ng Manila Bulletin, at inilathala ng Manila Bulletin Publishing Corporation.

Previous Post

₱2.5M sigarilyo, huli sa anti-smuggling op sa Zamboanga

Next Post

₱10,000 ayuda, ibibigay sa mga biktima ng sunog sa Baguio

Next Post
₱10,000 ayuda, ibibigay sa mga biktima ng sunog sa Baguio

₱10,000 ayuda, ibibigay sa mga biktima ng sunog sa Baguio

Broom Broom Balita

  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
  • Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder
  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.