• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

K-drama energy? Pagsasara ng Star City para sa isang araw na private event, ginatungan ng kuwelang netizens

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 14, 2023
in Features
0
K-drama energy? Pagsasara ng Star City para sa isang araw na private event, ginatungan ng kuwelang netizens

Grand Carousel/Star City

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kaniya-kaniyang pag-react ang witty netizens sa anunsyo ng pansamantalang pagsasara sa publiko ng pasyalang Star City sa darating na Marso 25 para sa isang private event.

Viral ang anunsyo ng sikat na amusement park sa Pasay noong Marso 9.

Hindi naman nakalagpas sa netizens ang anunsyo na kanilang ginatungan ng nakakaaliw at witty reactions.

Kaniya-kaniyang emote ang netizens as if sila ang nag-book ng pasyalan.

“Sorry po need ko lang Me-time,🤣✌️” anang isang komento na umani ng nasa 855 laughing reactions.

“YES PO TOTOO PO ITO SENSYA NA AYOKO NG MAY KASABAY SA RIDES,🙄” segunda ng isa pa na tinawanan ng nasa 731 iba pang netizens.

Narito ang iba pang bentang-bentang gimik na komento ng netizens na good vibes ang hatid sa marami:

“I’m really sorry guys, sinabihan kasi akong poor nung kasama namin na nakapila sa rides and I’m so petty so on the spot ako nagpa-assist to book the whole amusement park.”

“I needed some alone time. Thank you for understanding.”

“Pasenya na guys, may date kasi kami ng boyfriend ko ayaw n’ya kasi ng maraming makakakita kung gaano s’ya ka sweet sakin.”

“Sorry talaga guys. Need lang for business meeting with the investors. Sina Dad kasi, sabi ko yung buong Palawan nalang arkilahin kaso malayo raw! 😔😔😔”

Isa pang mahabang komento ang nadamay maging si Maria Clara at Ibarra star David Licauco.

“Sorry naboring ako kaya inupahan ko buong star city,” patuloy na hirit ng isa pa.

“Sorry guys. Nag heheal kasi ako nang self ko. Maganda daw kasi sometimes you do things on your own kaya I decided to do solo rides. I’ve done solo traveling na kasi e. Don’t worry one day lang naman to. 😌”

Para sa maraming Korean drama fans naman, tila K-drama series ang peg ng pagsasara ng pasyalan.

Matatandaang patok na gimik ng mga Korean Oppa sa kinaadikang mga serye ang kanilang paandar sa amusement park.

“What in a kdrama is this?” kuwelang saad ng isa pa.

“Sorry, ‘di raw kasi komportable si Park Seo-jun!”

“Pasensya na 1 day lang naman may Group Study kasi kami nina Seungho, Matthew, Taesung and 99+ others. 😇”

Sa huli, pawang good vibes ang hatid lang ng post na sa ngayo’y tuloy-tuloy pa rin ang inaaning kuwelang reaksyon sa netizens.

Tags: Star CityVIRAL
Previous Post

Instant viral! Pa-puwet ni Pia Wurtzbach online, ikinaloka ng kapwa celebs, netizens

Next Post

Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers

Next Post
Inflation assistance para sa mga empleyado sa senado, itinaas sa ₱50,000

Zubiri, isinulong ang ₱150 taas-sahod para sa private sector workers

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.