• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Fur parent, handang manilbihan kahit kanino makita lang nawawalang pet dog

Richard de Leon by Richard de Leon
March 14, 2023
in Balita, Features
0
Fur parent, handang manilbihan kahit kanino makita lang nawawalang pet dog

Aki (Mga larawan mula kay Noel Perez)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa isang dog owner na gagawin ang lahat, pati na ang paninilbihan sa bahay ng sinumang makapagtuturo kung nasaan na ang nawawalang alagang asong si “Aki.”

Ayon sa viral Facebook post ni Noel Perez, isang public school teacher mula sa Brgy. Peñaranda, Legazpi City, Albay handa aniya siyang mangamuhan sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan, o makapagsasauli sa kanila sa napaka-sweet at malambing na fur baby, na nawala noong Pebrero 27.

Wala aniya siyang pambayad sa pabuya o reward money, kaya serbisyo na lamang sa household chores ang kaniyang maibibigay.

“Wala man po akong pangreward money. Kung sino po makakita at makapagsabi kung nasaan sya. Handa po akong magsilbi sa inyo. Ako maghuhugas ng plato, magalilimis ng bahay, maglalalba o kahit anong household chores gagawin ko kapalit matagpuan ko lang ang baby dog namin,” ani Noel kalakip pa nito ang kaniyang numero ng cellphone.

Nagpaunlak naman ng panayam ang guro sa Balita at isinalaysay kung paano nawala si Aki.

“Feb 27, around 7pm nakalimutan ni mommy (partner ko) i-lock ang gate nakalabas si Aki (Bicol word meaning anak) hindi po kasi s’ya nakatali malaya po s’ya sa bahay.”

“Sobrang sakit sa kalooban kaya nag-post po ako. Nagkataon wala kami pera we are both public school teachers here in Legazpi City, Albay. Eh hindi naman po ako skilled worker kaya sinabi ko na handa akong magsilbi ng kahit anong household chores.”

“Sa ngayon hindi pa rin nakikita si Aki. Everyday nagmo-motor kami ni Mommy dito sa Legazpi para hanapin s’ya. Ubod ng lambing si Aki at nauuna pa sa higaan kapag matutulog na gusto n’ya lagi sya katabi for four years.”

Hangad ni Noel na maibalik at maiuwi na si Aki sa lalong madaling panahon.

Sa mga nagnanais na tumulong kay Noel sa paghahanap kay Aki, makipag-ugnayan lamang sa kaniyang Facebook account.

—

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: dog ownerhousehold choresNoel Perezreward
Previous Post

DOH, nagkaloob ng libreng operasyon sa 217 diabetic patients na may katarata at glaucoma

Next Post

6 labi ng bumagsak na Cessna 206, nailapag na sa Cauayan City Airport

Next Post
6 labi ng bumagsak na Cessna 206, nailapag na sa Cauayan City Airport

6 labi ng bumagsak na Cessna 206, nailapag na sa Cauayan City Airport

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.