• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Teves, maaaring mapa-deport sa US kung magkaroon ng ebidensya laban sa kaniya – Zubiri

MJ Salcedo by MJ Salcedo
March 12, 2023
in Balita, National
0
Teves, maaaring mapa-deport sa US kung magkaroon ng ebidensya laban sa kaniya – Zubiri

(Larawan mula sa FB ni Sen. Zubiri; Cong. Teves)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel ‘’Migz’’ Zubiri nitong Sabado, Marso 11, na maaaring mapa-deport sa United States si Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. kung magkaroon ng ebidensya ang mga alegasyong sangkot umano siya sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4 at hindi pa siya bumalik dito sa Pilipinas.

Sa panayam ng DWIZ, ibinahagi ni Zubiri na kung si Teves nga ang itinurong mastermind sa pagpaslang kay Degamo at may matibay na ebidensya hanggang sa nagkaroon na ng warrant of arrest, may kapangyarihan ang pamahalaan na ikansela ang pasaporte niya na siyang magbibigay-daan sa pag-isyu ng request sa US para ipa-deport siya.

“Pwedeng kanselahin ang passport kung may warrant of arrest na, at makikipag-coordinate po sa FBI ng Estados Unidos para tahimik ang pagdala o ang pag-apprehend nila sa Pilipinas kay Congressman Teves,” ani Zubiri.

Nag-expire na rin umano ang travel authority na inisyu ng House of Representatives para kay Teves.

Samantala, sinabi ni Zubiri na talagang pinaghandaan ang nangyaring pag-ambush sa gobernador at naging asal terorista umano ang mga salarin dahil sa mga nakitang ginamit nila sa pagpatay kay Degamo at sa walo pang sibilyan na nadamay.

Dahil sa nangyaring ambush, apat na umano ang security men ni Zubiri – dalawa sa Senado at dalawa sa kanilang tirahan sa Bukidnon.

Binanggit din ni Zubiri na galit na galit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring pagpaslang kay Degamo.

Mayroon din umanong negatibong epekto ang insidente sa kahilingan ni Marcos sa foreign investors na bumisita sa Pilipinas.

Matatandaang binigyang-diin ni Marcos noong Marso 4 na gagawin ng pamahalaan ang lahat upang mahanap at mapagbayaran ng mga maysala ang pagpaslang nila kay Degamo.

BASAHIN: PBBM, binalaan mga nag-ambush kay Gov. Degamo: ‘You can run but you cannot hide’

Previous Post

Bulkang Merapi sa Indonesia, pumutok; kabahayan, natakpan ng abo

Next Post

Solong mananaya, bagong milyonaryo matapos masungkit ang P29.7-M Grand Lotto jackpot ng PCSO

Next Post
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

Solong mananaya, bagong milyonaryo matapos masungkit ang P29.7-M Grand Lotto jackpot ng PCSO

Broom Broom Balita

  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
  • ₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!
  • Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.