• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Sinaunang Spotify!’ Musika at tugtuging hatid ng Jukebox, sinariwa ng netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
March 11, 2023
in Balita, Features
0
‘Sinaunang Spotify!’ Musika at tugtuging hatid ng Jukebox, sinariwa ng netizens

Mga larawan mula kay Senaur Leoj via Nostalgia Philippines/Definitely Filipino/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kaway-kaway mga batang 70s hanggang 80s!

Alam mo bang bago pa sumikat ang mga karaoke, videoke, at maging ang patok na “Spotify” ngayon, ang una munang kinahumalingan ng mga Pinoy ay ang “jukebox?”

Ayon sa ulat ng Facebook page na “Definitely Filipino,” sa presyong 25 sentimo ay makapagpapatugtog ang sinuman ng awit at musikang maiibigan, basta’t nasa selection ng jukebox. Madalas daw, ang mga coin-operated music machine na ito ay matatagpuan sa restaurants, disco, beer gardens, at cabarets.

Larawan mula sa Pinterest

Iyan din ang binalik-tanawan ng mga netizen na kasapi ng page na “Nostalgia Philippines.” Ibinahagi kasi ng isang netizen na si “Senaur Leoj” ang throwback photo ng isang jukebox.

“Parang kailan lang..eto ay atin din naging libangan at talagang kinaaliwan…” aniya sa post.

“ISA KA RIN BA KA-NOSTALGIA ANG NAGING HILIG AY MAGHULOG NG BARYA UPANG MAGPATUGTOG NG PABORITONG MONG KANTA?”

Screengrab mula sa FB ni Senaur Leoj via Nostalgia Philippines/Definitely Filipino
Screengrab mula sa FB ni Senaur Leoj via Nostalgia Philippines/Definitely Filipino

At siyempre, marami naman sa mga netizen ang nagbigay ng kani-kanilang mga patotoo tungkol dito.

“Siyempre mga favorite nating banda Bee Gees pinindot ko maya-maya biglang tumunog happy birthday😁😁😂 nakakahiya sabay layas. Nag-eerror na lalo pag walang maintenance.”

“Jukebox, 25 centavos per song, early 80s. Kakatuwa hehehe.”

“My Way. Daming nagkakamatayan sa kantang My Way. Agawan ng mikropono ng mga lasing.”

“Yes, I’m one of them during our era. Most restaurants and beer houses have this juke box to attract customers to dine and drink in their establishment.”

Samantala, kapag sinabing jukebox, agad-agad na papasok sa isipan ng lahat ang OPM singers na sina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, Imelda Papin, Amapola, Leah Navarro, Didith Reyes, Victor Wood, Eddie Peregrina, at maging mga international singers gaya ng Bee Gees, Tom Jones, Engelbert Humperdinck, Perry Como, at marami pang iba.

Samantala, isang estudyante ng De La Salle University ang ginawa pang thesis ito noong 2009. May pamagat itong “Mga reyna ng jukebox: Isang maikling kasaysayan ng mga jukebox hits at sa mga mang-aawit nito.”

“Sa risert na ito, tinalakay ang panahon ng Jukebox kung saan sinuri ang tatlong Reyna ng Jukebox na sina Eva Eugenio, Claire De La Fuente, at Imelda Papin at ang kanilang signature songs na ‘Tukso’, ‘Sayang’, at ‘Bakit’. Hinangad ng tesis na ito masagot kung bakit nanatili sa kamalayan ng mga tao noong dekada 70 hanggang sa kasalukuyan ang mga signature songs ng binanggit na mang-aawit,” saad sa abstrak nito.

Tags: jukeboxnostalgiaNostalgia Philippines
Previous Post

Drug den operator at 4 na kasamahan, timbog sa buy-bust operation sa Subic

Next Post

Gabriela hinggil sa ‘comfort women’: ‘An official apology from Marcos admin should be in order’

Next Post
Gabriela hinggil sa ‘comfort women’: ‘An official apology from Marcos admin should be in order’

Gabriela hinggil sa ‘comfort women’: ‘An official apology from Marcos admin should be in order’

Broom Broom Balita

  • ‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik
  • Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’
  • Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
  • Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin
  • Globular cluster ng mga bituin, napitikan ng NASA
‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

‘Wowowin’ ni Willie Revillame, magbabalik

December 9, 2023
Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’

December 9, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

December 9, 2023
Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

Pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Isabela, nawawala pa rin

December 9, 2023
Globular cluster ng mga bituin, napitikan ng NASA

Globular cluster ng mga bituin, napitikan ng NASA

December 9, 2023
Karla Estrada, may utang sa pamilya ni Kathryn?

Karla Estrada, may utang sa pamilya ni Kathryn?

December 9, 2023
Bago tuluyang naghiwalay: Daniel, iniyakan si Kathryn

Bago tuluyang naghiwalay: Daniel, iniyakan si Kathryn

December 9, 2023
DILG, nag-alok ng ₱500,000 pabuya vs killer ng kapitan sa Pangasinan

DILG, nag-alok ng ₱500,000 pabuya vs killer ng kapitan sa Pangasinan

December 9, 2023
Auto Draft

VP Sara, nagpasalamat sa mataas na rating ng DepEd sa OCTA survey

December 9, 2023
TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

December 9, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.