• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Para sa psychological health: Patung-patong na drawing ng mga anak sa puting pader, aprub sa ama

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
March 11, 2023
in Features
0

Larawan ng ama at tatoo artist na si Tating Dumanig

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Viral ngayon sa Facebook ang larawan ng dalawang chikiting at puting pader na puno ng kanilang drawings, bagay na may malalim na hugot at ikinaantig ng maraming netizens at parents online.

Umabot na sa mahiit 17,000 reactions ang viral post ni Tating Dumanig sa Facebook, isang tattoo artist, tampok ang tila naging freedom wall ng mga anak.

“Yes, they are allowed to draw on white walls sa bahay, para malaman ko kung ano ang nasa isip nila….anyway napapalitan naman yung paint sa wall pero mas importante ang psychological awareness ng mga bata,” mababasa sa kaniyang caption na ikina-relate ng libu-libo.

Sa panayam ng Balita sa ama, proud full-time dad si Tating na kagaya ng kaniyang naging kabataan noon ay mayroon ding kinalakhang parehong kalayaan ng pagpapahayag ng kaniyang emosyon.

“Nung bata pa talaga ako puno din ng drawing ang wall namin dati kasi kung ano ang nasa isip namin dun namin sa wall ginuguhit kay di talaga mabigat sa akin na mag drawing ang mga anak ko sa wall, kayang kaya ko naman i-repaint ‘yun,” pagbabahagi niya.

Para sa artist, ang kalayaang ibinibigay sa mga anak ngayon ay paraan din aniya para magabayan ang mga anak sa kanilang malawak na pag-iisip.

“Maraming concept ang pwede mong gawin,” saad ni Tating ukol sa maaring iguhit ng isang tao.

“Pwedeng based on your life experience, pwedeng based sa mga nakikita mo or nararamdaman mo. Kaya dun ko nakita ang idea na malaki din pala tulong ng pagguhit nila sa wall para ma-guide ko sila sa mga imagination nila or sa mga ideas nila,” dagdag niya.

“’Di naman kasi nila sasabihin ‘yan sayo personally lahat kung ano ang nasa isip nila, if nakita mo sa wall pwede mo silang lapitan at ipa explain sa kanila,” pagpapatuloy ng ama liban pa sa benepisyong maagang pagkatuto ng mga anak sa pagsusulat.

Samantala, kabilang sa mga natunghayan na ng ama na iginuhit ng mga anak ang tila imahe ng sungay na sa kanilang pagtatanong sa anak ay “nothing deep” naman umano hanggang sa mga konsepto ng pamilya, Covid-19 pandemic at ilang natutunan nila sa eskwelahan.

Larawan ni Tating Dumanig
Larawan ni Tating Dumanig
Larawan ni Tating Dumanig

Sa ngayon, ang bawat sulok ng kanilang bahay ay puno ng mga guhit ng mga anak na sina Chaz, 10; Cataleya, 7; at Cairo.

Sa huli, hangad naman ni Tating na maghatid ng inspirasyon at makabawas sa stress sa mga kapwa magulang ang kaniyang viral post lalo na sa mga single parent.

Tags: freedom wallpsychological healthVIRAL
Previous Post

Pinas, magkakaloob ng post-earthquake financial aid sa Syria – Malacañang

Next Post

Suspek sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Lubigan, timbog sa Antipolo

Next Post
Suspek sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Lubigan, timbog sa Antipolo

Suspek sa pagpatay kay Trece Martires City Vice Mayor Lubigan, timbog sa Antipolo

Broom Broom Balita

  • Mahigit 10,000 litro ng oily water mixture, nakolekta ng PCG
  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.