• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Hazing sa frats, mariing kinondena ng samahan ng mga private groups

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 10, 2023
in Balita, National / Metro
0
Hazing sa frats, mariing kinondena ng samahan ng mga private groups

PHOTO COURTESY: Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA)/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mariing kinukondena ng grupo ng mga pribadong paaralan ang karahasang patuloy na idinudulot ng hazing bilang bahagi ng initiation rites ng iba’t ibang mga fraternity sa bansa.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, ikinalungkot at mariing binatikos l ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang hindi katanggap-tanggap na pagkamatay nina University of Cebu student Ronnel Baguio noong Disyembre 2022 at Adamson University student John Matthew Salilig nitong Pebrero 2023 sa mga kamay ng mga miyembro ng kapatiran na nais nilang salihan.

“The Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) condemns in the strongest terms the deaths of college students John Matthew Salilig and Ronnel Baguio, both of whom were reported to have died due to hazing allegedly conducted in relation to fraternity initiation rites,” anila.

Ayon sa pamunuan ng COCOPEA na pinangungunahan ni COCOPEA Chairperson Engr. Bernard Nicolas E. Villamor na siya ring pangulo ng Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), nararapat lamang na maparusahan ang mga nasa likod ng hazing.

Giit nila, dapat na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga mag-aaral na nagnanais lamang makibahagi sa isang kapatiran.

“COCOPEA joins the numerous calls for judicious action and investigation of these cases, in accordance with due process, so that justice may be served. We recognize the importance of upholding the dignity and self-respect of all persons, and strongly condemn all forms of harm or violence, whether it be physical or psychological, especially those that endanger the lives of students such as hazing,” anang grupo. 

Dagdag pa nila, dapat na maipatupad ang Anti-Hazing Law at mabigyan ng mas malinaw na konsepto ang mga kabataan sa tunay na diwa at kahulugan ng pakikipagkapatiran.

Nanawagan naman ang COCOPEA sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan gayundin sa pamunuan ng mga unibersidad at mga paaralan na higit na maging mapagbantay sa mga organisasyon ng mga mag-aaral tulad na lamang ng mga fraternity na walang basbas o hindi otorisado ng mismong paaralan.

Ang COCOPEA ay binubuo ng Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU), Association of Christians Schools, Colleges, and Universities (ACSCU), Unified TVET of the Philippines, Inc. (UniTVET) at ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

Tags: Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA)
Previous Post

Converge player David Murrell, kampeon sa slam dunk sa PBA

Next Post

Retrieval operation sa mga biktima ng bumagsak na Cessna 206 sa Isabela, ‘di magiging madali – PCG

Next Post
Retrieval operation sa mga biktima ng bumagsak na Cessna 206 sa Isabela, ‘di magiging madali – PCG

Retrieval operation sa mga biktima ng bumagsak na Cessna 206 sa Isabela, ‘di magiging madali – PCG

Broom Broom Balita

  • Kiko Pangilinan sa mga tagasuporta: ‘We will not give up the fight’
  • ‘Low-key birthday celebration,’ request talaga ni Kathryn Bernardo: ‘My heart is full!’
  • Cai Cortez, dumating sa puntong walang pakialam sa sasabihin, iisipin ng iba
  • ‘Contentan na!’ Lai Austria, ‘titikman’ si dating Yorme Isko
  • Kathryn Bernardo, may nakalinyang tatlong pelikula
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.