• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Kauna-unahang National Election Summit, idinaos ng Comelec

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
March 8, 2023
in Balita, National / Metro
0
Comelec chief: Voter registration, hindi na palalawigin

MB FILE PHOTO BY Arnold Quizol

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinimulan nang idaos ng Commission on Elections (Comelec) nitong Miyerkules ang kauna-unahang National Election Summit sa bansa, na tatagal ng tatlong araw at inaasahang tatalakay sa ilang mahahalagang electoral issues sa bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na ang summit, na ginaganap sa Sofitel Hotel sa Pasay City, ay inorganisa nila upang mabigyan ng pagkakataon ang komisyon na madinig ang mga opinyon ng mga stakeholders sa pagpapatupad ng election laws sa bansa.

Makasaysayan aniya ang aktibidad dahil nagpapakita ito ng intensiyon ng Comelec na makinig at umaksyon sa mga isyung may kaugnayan sa halalan.

Aniya pa, imbitado sa summit ang iba’t ibang election watchdogs, civil society groups at mga opisyal ng gobyerno para makalap ang lahat ng inputs o suhestiyon para mapabuti ang halalan sa bansa.

Kabilang pa sa mga isyung inaasahang tatalakayin sa summit ay ang campaign finance, pamamaraan para  matiyak ang pagdaraos ng patas na halalan, seguridad ng mga halalan partikular ang antas ng kapangyarihan na ibibigay sa Comelec para maiwasan ang mga karahasan sa mga kandidato, election officers at mga miyembro board of election inspectors, at iba pa.

Nabatid na sa unang araw ng summit nitong Miyerkules ay dumalo sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senator Imee Marcos, at Mountain Province Rep. Maximo Dalog Jr..

Inaasahan namang sa ikalawang araw nito ay dadalo sina Vice President Sara Duterte at Executive Secretary Lucas Bersamin.

Samantala, sa huling araw sa Biyernes, Marso 10, ay inaasahan ang presensiya ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Tags: comelecNational Election Summit
Previous Post

66-anyos na si Vicky Belo, nagpaandar ng one-piece sa gitna ng snow sa Japan

Next Post

Japan, SoKor handang tumulong sa cleanup ops sa oil spill sa Mindoro

Next Post
Oil spill sa Oriental Mindoro, umabot na sa Antique — PCG

Japan, SoKor handang tumulong sa cleanup ops sa oil spill sa Mindoro

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.