• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

‘Kadiwa para sa Manggagawa’ inilunsad ni Marcos

Balita Online by Balita Online
March 8, 2023
in Balita Archive
0
‘Kadiwa para sa Manggagawa’ inilunsad ni Marcos

(File Photo)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang “Kadiwa ng Pangulo (KNP) Para sa Manggagawa” sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Central Office sa Quezon City nitong Miyerkules.

Ayon sa Pangulo, ang pinakahuling KNP outlet ay bahagi ng pagpapalawak ng Kadiwa centers sa buong bansa upang matulungang kumita ang mga magsasaka, mangingisda, at micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade.

“Ito po ay aming sinimulan noong Pasko at nakikita po naman na natin na pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin kaya’t ginawan namin ng paraan. At binalikan natin ‘yung dating sistema na idirekta na mula sa mga magsasaka hanggang dito sa Kadiwa ay hindi na dumadaan kung saan-saan pa na middleman,” pagdidiin ng Pangulo.

“At kung anuman ang pangangailangan upang madala ang produkto sa Kadiwa ay ang gobyerno na ang gumagawa para sa ganoon ay makapagbili tayo – maipagbibili natin itong mga bilihin na hindi kagaya sa mga supermarket na napakamahal na kundi ay naibaba natin ang mga presyo,” aniya.

Bahagi aniya ito ng programa ng pamahalaan upang malabanan epekto ng pagtaas ng inflation sa bansa.

“Kaya’t nakikita natin marami tayong nababalitaan na nagtataasan ang presyo. Dito po sa Kadiwa ay makikita natin na malaki ang savings, malaki ang bawas doon sa presyuhan. At kaya naman ay sinimulan namin ito noong Pasko, may Kadiwa ng Pasko. Tapos sabi ng tao ay gusto naman natin ‘yung Kadiwa ba’t niyo ititigil pagkatapos mag-Pasko? ‘Di ipinagpatuloy namin hanggang naging Kadiwa ng Pangulo,” dagdag pa ng punong ehekutibo.

Previous Post

‘Kadiwa para sa Manggagawa’ inilunsad ni Marcos

Next Post

E-ticketing system, sobrang taas na port fees ng PPA, mariing tinutulan ng shipping association

Next Post
E-ticketing system, sobrang taas na port fees ng PPA, mariing tinutulan ng shipping association

E-ticketing system, sobrang taas na port fees ng PPA, mariing tinutulan ng shipping association

Broom Broom Balita

  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Sawa, naglabas-masok sa inidoro ng CR sa loob ng bahay sa Roxas City
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.