Isiniwalat ni Negros Oriental 3rd district Rep. Arnie Teves ang kaniyang teorya na kilala ng mga tao sa lugar ang mga nag-ambush kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa bahay nito sa Pamplona dahil maging ang aso umano na nasa pinangyarihan ng krimen ay hindi man lang kumahol, bagkus ay kumawag pa raw ang buntot.
“Mga netizens, ito ang pagmasdan ninyo at tignan ninyo nang paulit-ulit. Pati ang aso, kilala ang pumasok,” saad ni Teves habang pinagbabasehan ang viral video ng pagpaslang kay Degamo.
“Bakit ko nasabing kilala? Tingnan niyo yung aksyon ng aso dun sa video. Hindi man lang kumahol, kung hindi, kumawag pa ang buntot. Kumbaga parang kumakaway-kaway pa eh yung aso,” pagpapaliwanag nIya.
“Isa o dalawang aso. Basta I’m sure there was one dog na kumawag pa ang buntot. Hindi man lang kumahol.”
Ibinahagi rin ng mamambabatas na sa kaniya umanong “sariling pag-aanalisa” sa CCTV, tila kilala ng nasa gate ng bahay ni Degamo ang armadong grupo dahil mabilis umanong nakapasok ang mga ito sa gate.
“Mayroon lang nakakapagtaka doon sa video. Bakit nakapasok or pinapasok nang ganun lamang ‘yung mga tao, na sa aking sariling pag-aanalisa ay parang magkakilala sila nung nasa gate, at hindi lang ‘yun, siyempre kilala siguro [kaya] nakapasok nang wala man lang kahit kaunting resistance,” ani Teves.
Kinwestiyon din niya ang mabilis umanong pag-aresto sa mga umano’y suspek sa pagpaslang kay Degamo.
BASAHIN: Tatlong suspek sa pag-ambush kay Gov. Degamo, arestado!
“Sa galing ng nakita ko sa video, hindi ako maniniwala na ganon ganon lang kabilis makuha ‘yung mga ganong klaseng mga tao. Hayop sa galing, parang pang-sine,” ani Teves.
Naganap ang nasabing pagpaslang sa gobernador at sa walo pang sibilyang nadamay noong Marso 6.
BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!
Sa ngayon ay apat na suspek na umano ang nakasuhan ng ng mga awtoridad matapos daw nilang mahuli ang mga ito sa
BASAHIN: Apat na arestadong suspek sa pagpaslang kay Gov. Degamo, kinasuhan na
Patuloy pa rin ang imbestigasyon at paghahanap sa iba pang sangkot sa krimen.