Inalis na ng Local Government Unit (LGU) ang closure order laban sa mobile phone service unit ng PLDT na Smart Communications Inc. matapos umanong pumirma ang dalawang panig ng ‘compromise agreement’.
Sa pahayag ng Smart nitong Biyernes, Marso 3, nagkaroon umano ito at ang LGU ng nasabing compromise agreement nitong Huwebes, Marso 2, kung saan binanggit ang mga termino ng pag-areglo sa kanilang pending na isyu hinggil sa local taxation.
“The settlement was reached after Smart submitted to the Makati LGU its accounting records corresponding to revenues generated within the territorial jurisdiction of Makati for the relevant periods,” anang Smart.
“Smart remains committed to complying with Makati City’s local tax ordinances, and with relevant national laws, applicable in respect of local taxation, and thanks the Makati LGU for its prompt action to resolve the matter,” dagdag nito.
Matatandaang ibinaba ang nasabing closure order sa headquarter ng Smart na matatagpuan sa Ayala Avenue noong Pebrero 27 dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng ₱3.2-bilyong tax nito at kawalan ng business permit.
BASAHIN: Main office ng Smart, kinandado ng Makati City LGU
Sinagot naman ito agad ng Smart at sinabing naghain umano sila ng mga angkop na kaso para maresolba ang kanilang “outstanding legal issues,” bagama’t nananatili pa raw ang mga itong pending.
BASAHIN: Smart, sinagot ang isyu vs closure order ng Makati City LGU