Hindi na kasama sa lineup ng Altiri Chiba ang 6’6″ small forward na si Kobe Paras.
Sa pahayag ng Chiba, napagkasunduan ng dalawang panig na tapusin na ni Paras ang kanyang kontrata sa koponan nitong Biyernes.
“I want to say thank you to the Altiri Chiba fans, club sponsors, and all the loyal fans!” pahayag ni Kobe.
I’m so grateful for the opportunity to represent such a beautiful club and city, Chiba. I’m also very happy that I got to meet a lot of amazing people on this team which include the team managers, my teammates, coaching staff, owner, GM, and head coach. Good luck with the rest of the season! Wishing you all more success!” paglalahad pa ng anak ni PBA legend Benjie Paras.
Naka-33 na laro lamang si Paras sa Chiba na ikalawang koponan nito pagkatapos maglaro sa Niigata nitong nakaraang season.
Hindi pa malinaw kung sasali si Paras sa Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa 2023 FIBA Basketball World Cup sa Agosto.