• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Chel Diokno sa pagpatay kay John Matthew Salilig: ‘Walang puwang sa ating lipunan ang karahasan at kalupitan’

Nicole Therise Marcelo by Nicole Therise Marcelo
March 3, 2023
in Balita, National / Metro
0
Diokno gustong makipagdebate kay Duterte, iba pang Senate bets

Human rights lawyer Chel Diokno (FACEBOOK / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naglabas din ng saloobin ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno hinggil sa sinapit ng college student na si John Matthew Salilig.

“Mariin nating kinokondena ang fraternity hazing na nauwi sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na si John Matthew Salilig,” saad ni Diokno sa kaniyang Tweet nitong Biyernes, Marso 3.

Dagdag pa niya, wala raw puwang sa lipunan ang karahasan at kalupitan lalo na sa mga paaralan. 

“Walang puwang sa ating lipunan ang karahasan at kalupitan, lalo na sa ating mga paaralan kung saan mga inosenteng mga estudyante ang nabibiktima,” anang human rights lawyer.

Nanawagan din siya sa otoridad na masusing imbestigahan ang pagpatay kay Salilig at mabulok sa kulungan ang mga may sala.

“We call on authorities to hasten the investigation and ensure that a formidable case will be filed against those behind this gruesome death. Dapat mabulok sa kulungan ang mga may gawa ng karumal-dumal na krimen na ito para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni John Matthew.”

We call on authorities to hasten the investigation and ensure that a formidable case will be filed against those behind this gruesome death. Dapat mabulok sa kulungan ang mga may gawa ng karumal-dumal na krimen na ito para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni John Matthew.

— Chel Diokno (@ChelDiokno) March 2, 2023



Bukod kay Diokno, nagpahayag din si Senador Risa Hontiveros hinggil sa sinapit ni Salilig.

“I condemn in the strongest terms the gruesome killing of Adamson University student John Matthew Salilig.  I am one with John Matthew’s family, and the entire Adamson community, in seeking justice for his untimely death,” ayon sa pahayag ng senador noong Miyerkules, Marso 1.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/01/hontiveros-sa-pagpatay-sa-isang-college-student-hazing-has-no-place-in-our-society/

Natagpuang patay ang mahigit isang linggo nang nawawalang college student mula sa Adamson University noong Martes, Pebrero 28, sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite, na hinihinalang biktima ng hazing.

Nakita umano ng mga pulis ang bangkay ng 24-anyos third year Chemical Engineering student sa bakanteng lote sa likod ng isang subdibisyon sa nabanggit na lugar.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/02/28/nawawalang-college-student-natagpuang-patay-dahil-sa-hinihinalang-hazing/

Tags: Atty. Chel DioknoJohn Matthew Salilig
Previous Post

Vlogger, kumasa sa challenge: ‘₱1M para sa mga batang may cancer’

Next Post

Manok sa USA, kinilala ng GWR na ‘oldest living chicken in the world’

Next Post
Manok sa USA, kinilala ng GWR na ‘oldest living chicken in the world’

Manok sa USA, kinilala ng GWR na 'oldest living chicken in the world'

Broom Broom Balita

  • ‘Jenny’ bahagyang lumakas; Batanes, itinaas sa Signal No. 1
  • Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict
  • ‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa
  • ‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball
  • Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG
Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

Rendon Labador, lumaki sa kalinga ng ex-convict

October 1, 2023
‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

October 1, 2023
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

October 1, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm

October 1, 2023
Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

October 1, 2023
Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.