OTTAWA, CANADA — Isinugod sa ospital ang anim na taong gulang na batang lalaki matapos mabaril umano ng kaniyang apat na taong gulang na kaibigan sa isang Indigenous community sa lalawigan ng Manitoba sa Canada, ayon sa pulisya nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng Agence-France-Presse, sinabi ng Royal Canadian Mounted Police sa isang pahayag na ang dalawang bata ay nasa isang bahay sa Peguis First Nation noong Lunes ng gabi nang makita nila ang isang baril.
“The four-year-old child discharged the firearm, which struck a six-year-old child,” na isinugod sa ospital dahil sa “serious but non-life-threatening injuries,” ayon sa pulisya.
Samantala, isang lalaking nasa hustong gulang ang inaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa batas na pag-iimbak ng mga baril. Nasamsam din mula sa lalaki ang limang baril at isang pana.