• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Music

‘World-class’ MV ng solo project ni SB19 Josh na ‘Wild Tonight,’ trending pa rin sa YouTube

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 28, 2023
in Music, Showbiz atbp.
0
‘World-class’ MV ng solo project ni SB19 Josh na ‘Wild Tonight,’ trending pa rin sa YouTube

JOSH CULLEN - 'WILD TONIGHT' M/V via YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Halos apat na araw matapos ilabas ng lead rapper na si Josh ng P-pop powerhouse SB19 ang music video ng kaniyang solo debut single, nanatili sa trend list ang naturang kanta sa video streaming giant na YouTube.

Ikaapat sa trendlist para sa kategoryang music ang MV ng “Wild Tonight” sa pag-uulat.

Inabangan ng maraming fans at masugid na tagahanga ni Josh ang solo single nito na Disyembre 2022 pala ang orihinal na target release.

Matatandaan ang naging abalang “Where You At” world tour ng SB19 noong nakaraang taon.

Para naman sa inspirasyon ni Josh sa isinulat na kanta, mga tumatakbong saloobin sa sarili, para sa fans at lalo na sa mga hindi naniwala sa kaniya noon ang sentro at tema ng kanta.

“A lot of things, maybe nag-focus siya kung ano ang tumatakbo sa utak ko kasi parang halu-halo eh. Nonbelievers, specifically sa akin. ‘Yung mga hindi naniniwala sa akin na gumagawa ng kung ano-anong sabi-sabi. Syempre ‘yung mga taong sumusuporta sa akin, and lastly, ‘yun nga ‘yung tumatakbo sa isipan ko,” anang rapper sa isang panayam kamakailan.

Magkahalong electronic, dance music, pop at hiphop ang sama-samang genre ng kanta para sa provocative at edgy na tunog ng produksyon nito.

Samantala, naging hands-on din sa world-class na music video ang SB19 member kung saan lalo aniya niyang nadiksubre ang kaniyang musicality at maturity bilang artist.

Pawang papuri naman mula sa fans ang natanggap lang na feedback ni Josh sa brand new musical treat.

“Bias aside huh but now lang ako nakapanood ganito kaganda pinoy MV na pwede ihanay sa mga foreigners or sabihin na natin pantapat pa sa kpop. JoshCullen really sets d bar high. Ibang klase po creativity ng josh huhu. You can never set aside all SB19 members are really talented tandaan nyo yan,” anang isang fan sa YouTube.

“Hindi tinipid, High quality! Ganda ng lyrics, Love the rap, Great choreography and ang ganda ng theme! Congrats Josh and to the whole team 👏❤️” segunda ng isa pa.

“The MV is so good it’s solid makikita mo na ginastusan talaga,at may pagkakaisa ang lahat na mapataas ang quality ng pop music satin lalo na pati ang participation ng 1st One,they also I admired the sound so addictive well done Josh 👏”

“Gone the days na pucho pucho ang mga MV ng Filipino artists. I’m glad na may ganitong artists who take risk to showcase what a modern pinoy pop can be. Ipagpatuloy niyo yan! Set the bar high!”

“Kada linya ng lyrics, napapangiti na lang ako sa sobrang satisfaction talaga.. It is really perfect, sa song every part ang ganda talaga, addicting at mapapasayaw ka talaga, yung music video, grabe ang concept at execution.. I’m always proud of my bias, but I guess, it’s this moment that I’m the proudest!”

“This MV is the standard. Galing mo sobra ssob! Sobrang nakakaproud maging A’TIN. Lagi niyo ineexceed expectations namin. Can’t wait to your upcoming releases with your SB19 brothers.”

Basahin: Felip, nagpabilib sa debut EP na ‘COM.PLEX’; nais patunayang ‘versatile’ ang SB19 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Josh ang ikatlong miyembro ng SB19 na naglapag ng kaniyang solo project kasunod nina SB19 Ken o Felip, at SB19 Pablo

“Makarisma talaga si josh! Galing. At nakakatuwa talaga na ang dami ding dance crews at other creatives ang naiiaangat ng ppop. Kudos rin sa editor ganda ng MV. 🎉”

“That’s a real wild! Josh you never failed to make us proud. You’re indeed a legend, keep making music. Fully support to SB19 and sa mga solo niyo! Walang pinagsisihan naging ATI’N ako!”

“GRABII GANDA NG QUALITY!!! BOTH MV AND SONG!!! grabee ssob really surprised us!!! deserved!!!! proud of youuuu!”

“Pinatunayan lang naman ni Josh kung bakit siya yung charismatic member ng SB19. Grats brother Josh! Lupet ng quality ng MV, Rap, Beat, Drop, Choreo, Cinematography, etc. Kudos sayo at sa team mo ssob! Cheers!”

Kasalalukuyang tumabo na sa mahigit 400,000 views ang naturang MV sa YouTube habang nasa mahigit 242,000 streams naman ang “Wild Tonight” sa Spotify.

Tags: SB19SB19 JoshtrendingWild Tonightyoutube
Previous Post

‘Bagong ika-cancel?’ Aga Muhlach, gaganap na PBBM sa karugtong ng MOM

Next Post

Kuya Kim, flinex mga ‘pandesal’; bibida sa isang bodybuilding TV commercial

Next Post
Kuya Kim, flinex mga ‘pandesal’; bibida sa isang bodybuilding TV commercial

Kuya Kim, flinex mga 'pandesal'; bibida sa isang bodybuilding TV commercial

Broom Broom Balita

  • ‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa
  • ‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball
  • Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG
  • Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid
  • ‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP
‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

‘Dating beauty queen si Ante!’ Susan Africa miss na rumampa

October 1, 2023
‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

‘Invited sa wakas!’ Susan Africa unang beses dumalo sa ABS-CBN Ball

October 1, 2023
Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

Oil spill sa Puerto Princesa City, iniimbestigahan na ng PCG

October 1, 2023
Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

Erik Santos, kinilig sa collaboration nila ni Regine Velasquez-Alcasid

October 1, 2023
‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

‘New breed of comedians’ ginawaran ng parangal ng FDCP

October 1, 2023
‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

MTRCB, may pahayag sa ‘no work, no pay’ issue kung masuspinde ang It’s Showtime

October 1, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Bagyong Jenny, itinaas na sa kategoryang severe tropical storm

October 1, 2023
Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

Ces ibinunyag bakit pumayag sa ‘Stress Drilon’ commercial; mag-aartista na ba?

October 1, 2023
Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

Kyline Alcantara, pumalag sa video ni Mariel Pamintuan?

October 1, 2023
Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

Cristine Reyes hinahanap ni David DiMuzio; Marco Gumabao, nag-react

October 1, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.