• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

500 bagong HRH, idineploy ng DOH sa Ilocos Region

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
February 28, 2023
in Balita, National / Metro, Probinsya
0
500 bagong HRH, idineploy ng DOH sa Ilocos Region

Photos from DOH-Ilocos

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nasa kabuuang 500 newly hired na human resources for health (HRH) para sa fiscal year 2023 ang dumalo sa National Health Workforce Support System (NHWSS) Oath Taking Ceremony na pinangasiwaan ng Department of Health – Ilocos Region sa San Fernando City, La Union, nabatid nitong Martes.

Ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, ang mga naturang bagong HRH personnel ay ide-deploy sa apat na lalawigan sa Ilocos Region.

“Sila ay ilalagay sa mga 4th and 5th class municipalities sa iba’t-ibang probinsya, partikular na sa mga GIDAs (Geographically Isolated and Disadvantage Areas) ng region 1 to augment the needed health services sa mga areas na kulang ang ating mga health workers,” ani Sydiongco sa kanyang mensahe sa naturang seremonya.

“Part ito ng Devolution Transition Plan (DTP) ng kagawaran upang maipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sistemang pangkalusugan sa ating mga lokal na pamahalaan,” dagdag pa ni Sydiongco.

Hinikayat din niya ang lahat ng HRH na gawin ang kanilang makakaya para magampanan ng mahusay ang kanilang tungkulin para sa benepisyo at ikabubuti ng kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan.

Nabatid na ang HRH workers ngayong taon ay nasa ilalim ng NHWSS program na siyang in-charge sa deployment, redistribution at retainment ng health workers sa bansa upang mapahusay ang access sa de kalidad na health services, gayundin ang health outcomes sa mga komunidad. 

Binubuo ang mga ito ng mga nurses, midwives, medical doctors, medical technologists, dentists, pharmacists, nutritionists at physical therapists.
Mayroong 93 HRH na naka-deploy sa Pangasinan, 133 sa La Union, 180 para sa Ilocos Sur at 94 sa Ilocos Norte.

Samantala, nagpasalamat naman si Undersecretary for Field Implementation and Coordination Team (FICT) – North Luzon Eric A. Tayag sa bagong batch ng HRH.

“Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong lahat, sa inyong sakripisyo upang mapabuti ang kalusugan ng ating mga kababayan. Kaya’t ang DOH ay gumawa ng paraan upang taasan ang inyong mga sahod sa taong ito para sa inyong kapakanan,” aniya.

“Alam namin ang inyong mga hirap, ang inyong mga mithiin at ang inyong mga suliranin sa pagtataguyod ng inyong mga gawain at dahil dito ay nagpapasalamat kami sa inyo ng lubos,”  dagdag pa ni Tayag.

Nabatid na ang mga HRH cadres na na-hired para sa 2023 ay mas kakaunti kumpara noong nakaraang taon.

Gayunman, plano ng mga local government units (LGUs) na kumuha rin ng health workers upang dagdagan ang naturang bilang sa kanilang mga lokalidad.

Tags: DOH-Ilocos Region
Previous Post

Isang cute na bata, halimaw ang husay sa pagpinta!

Next Post

Pagdo-donate ng ‘sperm’, nagsisilbing ‘charity work’ ng isang lalaki sa California; 70 na ang anak?

Next Post
Pagdo-donate ng ‘sperm’, nagsisilbing ‘charity work’ ng isang lalaki sa California; 70 na ang anak?

Pagdo-donate ng ‘sperm’, nagsisilbing ‘charity work’ ng isang lalaki sa California; 70 na ang anak?

Broom Broom Balita

  • DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case
  • Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA
  • Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers
  • ₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!
  • Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

DOJ, inutusan si Teves na sagutin multiple murder, iba pang kaso hinggil sa Degamo-slay case

June 6, 2023
Inflation nitong Abril, bumaba sa 6.6% – PSA

Inflation nitong Mayo, bumaba sa 6.1% – PSA

June 6, 2023
Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

Mga ilulutong balut, hindi na nakain ang iba dahil sa natuklasan ng buyers

June 6, 2023
₱49.5M jackpot prize sa UltraLotto 6/58, nasungkit ng taga-Iloilo City

₱211M jackpot prize ng Ultra Lotto, naghihintay na mapanalunan!

June 6, 2023
Para kanino ang Build, Build, Build?

Bakit Mahalaga ang Maharlika Fund?

June 6, 2023
Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

Mga anak ni Lian Paz bet ipadispatsa apelyido ni Paolo Contis sa pangalan nila?

June 6, 2023
Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

Makagwapo pumalag sa paninisi ni Xander kung bakit naghiwalay sila ng jowa

June 6, 2023
PBBM kay ‘BFF’ VP Sara: ‘Sa ayaw at gusto mo, I’m still your number one fan’

VP Sara, ipinaabot ang ‘pagmamahal’ kay PBBM, ngunit tumangging banggitin ‘middle initial’ nito

June 6, 2023
Jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, aabot na sa ₱61.5M; Grand Lotto 6/55, ₱58M naman!

PCSO: Jackpot prizes ng GrandLotto 6/55 at MegaLotto 6/45, sabay napanalunan!

June 6, 2023
LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

LPA na namataan sa silangan ng Eastern Visayas, ganap nang bagyo

June 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.