• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3 mag-iina, patay nang ma-trap sa sunog sa Pasay City

Balita Online by Balita Online
February 22, 2023
in Balita, National / Metro
0
45 pamilya, apektado ng sunog sa Quezon City

File Photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang isang ina at dalawa niyang mga anak nang ma-trap sila sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Pasay City noong Martes, Pebrero 21.

Kinilala ang mga biktima na sina Mary Ann Maglinaw, 29, at ang kanyang dalawang anak na sina Xzavion Rivas, 2, at Evzekhion Rivas, 5.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire and Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-9:50 ng umaga sa bahay ng mga biktima na matatagpuan sa Barangay 117, Malibay, Pasay City.

Sinabi ng BFP na umabot sa unang alarma ang sunog at idineklarang fire out bandang 10:16 a.m.

Sinabi rin nila na ang nasunog na bahay na gawa sa light materials ay inookupahan ng anim na pamilya.

Agad namang binisita ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang lugar upang alamin ang kalagayan at mabigyan ng tulong ang mga nasunugan at para madamay ang pamilya ng mga biktima.

Inutusan niya ang City Social Welfare and Development Office na ipamahagi ang mga relief goods, folding beds, banig, tuwalya, groceries, at hygiene kits sa mga nasunugan na naghahanap ng pansamantala sa covered court.

Sinabi ng alkalde na mamimigay din ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa biktima at burial assistance sa tatlong nasunugan.

“Sa mga panahon ng trahedyang ganito, laging bukas-palad ang ating pamahalaan upang kayo ay tulungan. Ako po ay nakikiramay sa mga namatayan at sa mga naapektuhan ng trahedyang ito. Makakaasa po kayo na ako at ang buong pamahalaan ng ating lungsod ay tutulong sa abot ng aming makakaya,” ani Rubiano.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi at tinatayang pinsala sa ari-arian na dulot ng sunog.

Jean Fernando

Tags: pasay citysunog
Previous Post

‘Malaswang’ MV ni Toni Fowler, impluwensiya ng talamak na porn media sa bansa — batikang screenwriter

Next Post

Ultra Lotto 6/58 jackpot na mahigit P70-M, mailap pa rin!

Next Post
Lotto jackpot ng PCSO draw nitong Martes ng gabi, ‘di nasungkit ng mananaya

Ultra Lotto 6/58 jackpot na mahigit P70-M, mailap pa rin!

Broom Broom Balita

  • Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8
  • 4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH
  • House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS
  • DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers
  • Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang
Number coding scheme, suspendido muna — MMDA

Number coding, kinansela ng MMDA sa Dec. 8

December 7, 2023
Unang kaso ng B.1.1.318 variant sa PH, naitala

4 cases ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas, kinumpirma ng DOH

December 7, 2023
House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

House reso, inilabas upang kondenahin illegal actions ng China sa WPS

December 7, 2023
DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

DOH: Wala pang reklamo sa pagkakasibak ng 80,000 barangay health workers

December 6, 2023
Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

Libreng HIV testing sa QC Hall, hanggang Dis. 7 na lang

December 6, 2023
France, ‘ready’ na sumali sa maritime patrols sa WPS

Kasama Pilipinas: France ‘ready’ na sa ilulunsad na joint sea, air patrols sa WPS

December 6, 2023
Daniel, insecure kay Alden?

Daniel, insecure kay Alden?

December 6, 2023
Piolo Pascual, posibleng tanghaling ‘Best Actor’ sa MMFF 2023?

Piolo Pascual, posibleng tanghaling ‘Best Actor’ sa MMFF 2023?

December 6, 2023
Xian Gaza, sinagot ina ni Andrea

Xian Gaza, sinagot ina ni Andrea

December 6, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 5.1-magnitude na lindol

December 6, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.