• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘A-meow-zing bed’: Cat lover, flinex si mister na gumawa ng mini bed para sa baby cats

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 19, 2023
in Balita, Features
0
‘A-meow-zing bed’: Cat lover, flinex si mister na gumawa ng mini bed para sa baby cats

(Larawan mula kay Joanne Rivera-Pereira)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Flinex ng cat lover mula sa Binangonan, Rizal na si Joanne Rivera-Pereira, 31, ang kaniyang asawa na si Jigson Pereira, 30, matapos nitong gawan ang kanilang mga pusa ng sariling ‘mini double deck’ na higaan.

“Yung husband mong love na love din mga baby nyo.. ginawan pa sila ng double (deck) bed🤣😍❤️. Mukang nagustuhan naman nila haha❤️❤️,” caption ni Joanne sa kaniyang post sa CAT LOVERS PHILIPPINES.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Joanne na naisip nilang gawan ng sariling bed ang pito nilang baby cats dahil laging nakasiksik ang mga ito sa kanilang higaan.

“Name po nila is Vico, Pichie, Maja, Tikoy, Kutchi, Pil and Vica. Lagi silang natabi sa higaan, so kasi nga madami na sila, minsan wala na kaming pwesto ng husband  ko. So naisip namin na bigyan at gawan na lang sila ng sariling higaan,” ani Joanne.

Ayon naman mister ni Joanne na si Jigson, dalawang tali lang daw ng palochina wood, isang pack ng wood glue, isang bungkos ng screw, at 1×1 na may habang 15ft na kahoy ang nagamit niya sa paggawa ng nasabing mini bed.

“No idea po ako sa labor. Bayad lang po sakin diyan ay matamis na ngiti ni Misis at pusang nagustuhan yung ginawa namin,” pabirong saad ni Jigson.

Dalawang taon na raw kasal ang mag-asawa ngunit next year pa nila planong magkaanak kaya’t binubuhos nila ngayon ang atensyon nila sa kanilang mga pusa.

“Sobrang love talaga namin sila. We treat them as our own child. We treat them with care and love, kasi tingin namin ‘di lang sapat na bigyan sila ng food, water and shelter. Need nila ng attention, care and most of all is love,” ani Joanne.

Larawan mula kay Jigson Pereira

Hindi naman daw sila makapaniwalang marami ang makaka-appreciate sa higaan ginawa ni Jigson. Ngunit masaya raw sila na maraming na-inspire na netizens na gumawa rin ng higaan para sa kanilang mga alaga.

“Nagulat po ako na mga may na-order po haha, nagrereply na lang po kami na di po namin siya business,” saad ni Joanne.

“Ma’am magbenta kayo please hahahahah! Ganda eh,” hirit ng isang netizen sa comment section.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 4,600 reactions, 450 comments, at 560 shares ang naturang post.

–

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!

Tags: cats
Previous Post

Umambus sa grupo ni Vice Mayor Alameda, ‘di mga pulis?

Next Post

Dahil sa politika? Interview ni K Brosas sa YouTube channel ni Toni G, ‘di na mahagilap

Next Post
Dahil sa politika? Interview ni K Brosas sa YouTube channel ni Toni G, ‘di na mahagilap

Dahil sa politika? Interview ni K Brosas sa YouTube channel ni Toni G, ‘di na mahagilap

Broom Broom Balita

  • Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama
  • Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin
  • ‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes
  • Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila
  • Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics
Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama

Maxene Magalona, ginunita ang 59th birthday ng namayapang ama

October 4, 2023
Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

Cherry Pie Picache, naaawa na kay Coco Martin

October 4, 2023
‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

‘Jenny’ lalabas na ng PAR sa Huwebes

October 4, 2023
Mga lugar na nagdeklara ng persona non grata laban kay Pura Luka Vega

Pura Luka Vega, inaresto sa Sta. Cruz, Manila

October 4, 2023
Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

Kalaban, knockout: Pinoy boxer Eumir Marcial, pasok na sa 2024 Paris Olympics

October 4, 2023
‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

‘Barbie transformation’ ni Paolo Ballesteros, pinusuan ng netizens

October 4, 2023
Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

Kahit pangit, basura daw mga pelikula niya: Vice Ganda ibinida award sa FDCP

October 4, 2023
Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

Minimum na pamasahe sa modern, traditional jeepneys tataas ng ₱1

October 4, 2023
Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

Price cap sa bigas, tinanggal na ni Marcos

October 4, 2023
Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

Erik Matti, may sentimyento: ‘Times have changed in movies’

October 4, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.