• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Sana tanda mo pa!’ Kilalanin si ‘Reina,’ ang babaeng ‘nauna’ sa pila kay Joshua Garcia

Richard de Leon by Richard de Leon
February 15, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Sana tanda mo pa!’ Kilalanin si ‘Reina,’ ang babaeng ‘nauna’ sa pila kay Joshua Garcia

Reina Carisse Forteza - Abrigonda at Joshua Garcia (Larawan mula kay Reina Carisse Forteza - Abrigonda)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kamakailan lamang ay usap-usapan ang Facebook post ng netizen na si “Reina Carisse Forteza – Abrigonda” kung saan flinex niya ang throwback photos nila ng Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia, noong maging escort niya ito sa sagala para sa taunang Santacruzan sa lalawigan ng Batangas.

“Kung alam ko lang na sisikat ka, sana pala sumagala na tayo simula Batangas City hanggang Mabini,” caption ni Reina sa kaniyang Facebook post.

Kalakip ng post ang lumang litrato nila ni Joshua noong hindi pa ito pumapasok na teen housemate sa reality show na “Pinoy Big Brother All-In” noong 2014 at hindi pa nag-aartista.

Viral ang kaniyang naging post na umabot na sa 194k reactions, 51k shares, at 410 comments habang isinusulat ang balitang ito.

Nakipag-ugnayan ang Balita kay Reina at mapalad namang nagpaunlak ng eksklusibong panayam. Siya pala ay 24-anyos na at kasalukuyang naninirahan sa San Roque, Bauan, Batangas. Siya ay isang Industrial Engineer subalit pinili niyang tumigil sa pagtatrabaho upang alagaan ang kaniyang newborn baby.

Isinalaysay ni Reina kung paano sila nagkakilala ni Joshua sa pamamagitan ng sagala. Naganap pala ang naturang Santacruzan noong Agosto 16, 2012.

“Fiesta ng San Roque, Bauan, Batangas po that time. Isa po akong sasagala sa tinatawag na Santacruzan. Wala po talaga dapat akong partner/escort, then, may nagtanong lang po sa aking ina na kung papayag daw po ba na may escort ako sa pagsagala,” aniya.

Nagulat daw si Reina na ang magiging eskorte niya ay napakapoging lalaki. Una pa lamang daw ay talagang malakas na ang dating ni Joshua. Sa katunayan, mas napansin pa nga raw ito kaysa sa kaniya.

Joshua Garcia at Reina Carisse Forteza – Abrigonda (Larawan mula kay Reina)

“Pumayag naman po mother ko. Nagulat na lang po kami ng mother ko noong lumapit sa akin yung magiging escort ko, napakapogi po pala. Doon ko lang po sya nakilala. Actually, head turner na po talaga sya no’n. Malakas ang appeal. Mas napansin pa nga po s’ya kaysa sa akin eh.”

Bukod sa pagiging simpatiko at guwapo, maginoo rin daw si Joshua. Habang naglalakad daw ito ay todo-paypay raw sa kaniya.

“Napaka-gentleman. Napakasuwerte ko po dahil napaypayan n’ya ako habang naglalakad kami,” tila kinikilig na sabi ni Reina.

Makalipas ang isang dekada, hindi makapaniwala si Reina na ang escort niya lamang noon na si Joshua ay magiging sikat na aktor ng kaniyang henerasyon. Kung alam lamang daw niyang sisikat ito nang husto, sana raw ay sinamantala na niya ang pagkakataon, biro niya. Masaya siya sa tinatamasang tagumpay ngayon ng Kapamilya actor.

“Masaya po ako sa kaniya na nagiging successful po siya sa career ngayon. Nawa’y magpatuloy pa po ang pagdami ng kaniyang mga projects,” aniya.

Joshua Garcia at Reina Carisse Forteza – Abrigonda (Larawan mula kay Reina)

May mensahe naman si Reina para kay Joshua, kung sakaling makararating ito sa kaniya.

“Hi, Joshua! Sana natatandaan mo pa ako. Nagpapasalamat ako na pumunta ka ng San Roque noong fiesta sa amin dati, nagkaroon tuloy ako ng instant escort that time na napakapogi. I hope masaya ka sa mga nangyayari at sa mga naging desisyon mo sa buhay. Nandito lang kami palagi ng mga supporters mo para sa’yo. Happy Valentine’s Day!”

Joshua Garcia at Reina Carisse Forteza – Abrigonda (Larawan mula kay Reina)

Sa ngayon ay happily married na si Reina kaya walang dapat ipag-alala ang maraming mga babaeng “nakapila” sa Kapamilya actor.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Joshua tungkol dito.

Tags: Joshua GarciaReina Carisse Forteza - AbrigondasagalaSantacruzan
Previous Post

Japan, nangangamba rin dahil sa laser-pointing incident sa Ayungin Shoal

Next Post

‘Relax’: Transpinay Fuschia Anne Ravena, may mensahe sa fans matapos machikang sasabak sa MUPH

Next Post
‘Relax’: Transpinay Fuschia Anne Ravena, may mensahe sa fans matapos machikang sasabak sa MUPH

‘Relax’: Transpinay Fuschia Anne Ravena, may mensahe sa fans matapos machikang sasabak sa MUPH

Broom Broom Balita

  • ‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod
  • Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak
  • Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate
  • ‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon
‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

‘Tita lang po ako!’ Babaeng napagkakamalang ina, naglagay ng ‘disclaimer’ sa likod

June 4, 2023
Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

Guro sa kindergarten, kinaaliwan dahil sa iba’t ibang uri ng palakpak

June 4, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

June 4, 2023
Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

Sparkle artists na isasabak sa bagong Eat Bulaga, lagyan daw ng name plate

June 4, 2023
‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

‘Mala-tigre na!’ Pusang sinlaki ng Siberian husky, pukaw-atensyon

June 4, 2023
PCSO: P29.7M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, napanalunan na rin ng taga-Batangas

2 mananaya, maghahati sa P42.7- M Lotto 6/42 jackpot prize

June 4, 2023
Dagdag P1.10 per liter sa gasolina, asahan sa June 29

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan sa Martes

June 3, 2023
10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

10 boya, ‘di inaalis sa WPS — PCG

June 3, 2023
Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

Crater glow, naobserbahan: 13 rockfall events, pagyanig naitala rin sa Mayon Volcano

June 3, 2023
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Unang bugso ng bivalent Covid-19 vaccines, darating sa bansa ngayong Sabado

June 3, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.