• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Willie Revillame, humingi ng dispensa kay Cristy Fermin: ‘Sorry nasaktan kita!’

Richard de Leon by Richard de Leon
February 9, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Willie Revillame, humingi ng dispensa kay Cristy Fermin: ‘Sorry nasaktan kita!’

Willie Revillame at Cristy Fermin (Screengrab mula sa FB/YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Humingi ng tawad si Wowowin host Willie Revillame sa kaniyang nanay-nanayang showbiz columnist/insider na si Cristy Fermin matapos niya itong isama sa “blind item” hinggil sa ilang showbiz personalities na natulungan niya noon, at ngayon ay may masasakit na salitang binibitiwan patungkol sa kaniya, kaugnay ng ulat na pansamantalang ititigil ang pag-ere ng ilang programa ng ALLTV.

Sa pag-ere ng February 8 episode ng kaniyang programang “Wowowin,” inamin ni Willie na nadala lamang siya ng kaniyang emosyon dahil spliced lamang ang napanood niyang episode ng “Cristy Ferminute.” May nagsabi raw kasi sa kaniya na bakit sinabihan raw siya ni Cristy na “yabang-yabang” niya gayong anak-anakan siya nito.

“Napain lang ako eh, may nagsabi sa akin na ‘Akala ko ba nanay mo ‘yang si Cristy Fermin, bakit sinabi na ang yabang-yabang mo daw’. So parang naano na ako dahil ganoon na ‘yung mga dumadating,” esplika ng TV host.

Labis na nasaktan si Willie sa mga nasabi ni Cristy sa kaniya kaya nagsiklab ang kaniyang kalooban.

“Kaya ako ayokong magbabasa ng Facebook at YouTube na negative, siyempre nasaktan ako doon dahil parang nanay ko ho ‘yan si Nanay Cristy at ‘yun nga may nasabi akong hindi maganda sa kaniya dito kagabi na nasaktan ko ang pamilya niya, siya.”

“Ang pagkakamali ko ho ay hindi ko kasi napanood ‘yung Cristy Ferminute dahil ayoko nang manood. Ang pagkakamali ko doon ay nagdesisyon ako na magsalita, ako ho ‘yung nagkamali dito,” dagdag pa niya.

Gaya ng nabanggit ni Cristy noong hapon sa kaniyang programa, naibahagi rin ni Willie na nagkausap, nagkasigawan, at nagkamurahan daw sila ng kaniyang nanay-nanayan, na nangyayari naman daw talaga sa kahit na kaninong relasyon.

Nilinaw ni Willie na hindi siya nanunumbat, at kung may nasabi man siyang masasakit, dulot lang ito ng kaniyang emosyon.

“Tita Cristy, para mo na akong anak para na kitang nanay, humihingi ako ng tawad sa’yo, pasensya ka na dahil alam mo naman nag-iisa lang ako, ilang araw akong nag-iisa sa kuwarto at nag-iisip… Hindi ako nagbabasa ng kahit ano, nag-iisip lang ako,” paghingi ng tawad ni Willie.

“Tita Cristy at sa mga anak mo, galing sa puso ko, I’m really sorry nasaktan kita. Alam ko pinaglaban mo ko,” dagdag pa.

Matatandaang sinabi rin ni Cristy na mahal niya si Willie bilang anak-anakan, kahit mataas ang emosyon ang naging pagsisiwalat niya ng panig tungkol sa “mayabang” issue.

“Kung hindi mo nasaksihan, kung hindi mo nakita ang resibo, ‘wag kang magsasalita. Diyan ka lagi naiipit. Dapat pinanonood mo nang buo para malaman mo kung may malasakit ba ang taong nagsalita o wala, ‘yon lang ‘yon.”

“Nakakasakit po ng damdamin,” pag-amin pa ni Cristy. “Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo Willie Revillame, magbilangan tayo,” medyo muling tumaas ang tinig na untag ng showbiz columnist.

“Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa.”

Nakiusap daw si Willie kay Cristy na ‘wag siyang iwanan sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kaniya.

Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie
Tags: apologyCristy Ferminwillie revillame
Previous Post

Cryptic tweet ni Gab Valenciano, para nga ba kay Willie Revillame?

Next Post

Amihan, magpapaulan sa Luzon, Western Visayas

Next Post
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Amihan, magpapaulan sa Luzon, Western Visayas

Broom Broom Balita

  • NPA commander, inaresto sa Surigao del Sur
  • Filipinas, umabante sa FIFA women’s ranking
  • Camarines Norte, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
  • Bulkang Ili Lewotolok sa Indonesia, sumabog, nagbuga ng usok at abo
  • Selena Gomez, nagsalita hinggil sa natatanggap na ‘death threats’ ni Hailey Bieber
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.