• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day

MJ Salcedo by MJ Salcedo
February 9, 2023
in Balita, Probinsya
0
Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day

(Larawan mula sa FB ni Mayor Matt Erwin Florido)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Makatatanggap ng triple pay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng General Luna, Quezon na limang taon o mahigit nang single o kaya nama’y single since birth kapag sila ay papasok sa araw ng mga puso sa Pebrero 14, ayon kay Mayor Matt Erwin Florido.

Inanunsyo ito ni Mayor Florido nitong Lunes, Pebrero 6, sa kanilang flag ceremony.

Ayon pa kay Florido, kapag pinili ng mga empleyado na mag-leave sa Lunes, Pebrero 13, para sa long weekend, magiging ‘paid leave’ daw ito ngunit magiging ‘double pay’ na lamang ang bayad ng pasok nila sa Pebrero 14.

“Sa mga kwalipikado, maaaring i-sumite sa Mayor’s Office o sa HRMO ang inyong aplikasyon para sa nasabing benepisyo. Mayroong special committee na magvalidate. MAHALAGA ANG KATAPATAN,” pahayag ni Florido.

Ang nasabing benepisyo ay galing umano sa sariling pera ng alkalde dahil nais daw niyang mabigyan ng oras ang mga single na mag-enjoy o makahanap ng katuwang sa buhay.

Nagbibigay na ng special treats si Florido sa mga kawani ng munisipalidad tuwing araw ng mga puso simula nang maging alkalde siya noong 2019.

Tags: GENERAL LUNAtriple payValentine’s Day
Previous Post

‘Don’t let words bring you down!’ Martin Nievera, nagbigay ng moral support kay Jed Madela

Next Post

Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua

Next Post
Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua

Darryl Yap, kinumusta ang 'middle finger' ni Xiao Chua

Broom Broom Balita

  • Inflation ng Pilipinas, bumagal
  • Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba
  • Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA
  • Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal
  • Attached agencies ng DILG, ida-drug test
Inflation ng Pilipinas, bumagal

Inflation ng Pilipinas, bumagal

June 2, 2023
DOH, nakapagtala ng dagdag 28,471 bagong kaso ng COVID-19

Covid-19 positivity rate sa Metro Manila, bahagyang bumaba

June 2, 2023
Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

Mga proyektong pangkaunlaran, inaprubahan na ng NEDA

June 2, 2023
RDRRMC CALABARZON, inabisuyan ang publiko vs fake news hinggil sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa nagpapatuloy na low-level activity sa Bulkang Taal

June 2, 2023
Attached agencies ng DILG, ida-drug test

Attached agencies ng DILG, ida-drug test

June 2, 2023
Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

Pagtugis kay Bantag, pinaigting pa — Remulla

June 2, 2023
Iba pang murder complaints, isasampa vs Teves – abogado ng pamilya Degamo

Teves, nag-apply ng citizenship sa Timor-Leste – Remulla

June 2, 2023
Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

Travel agency, ipinasara dahil sa reklamong illegal recruitment sa QC

June 2, 2023
Amihan, magpapa-ulan sa Luzon, Visayas

Pagbibigay ng impormasyon sa heat index, ititigil muna – PAGASA

June 2, 2023
Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings

June 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.