• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Driver, na-stroke? Mga pasahero ng bus, nailigtas ng pulis sa Tuguegarao

Liezle Basa by Liezle Basa
February 9, 2023
in Balita, Probinsya
0
Driver, na-stroke? Mga pasahero ng bus, nailigtas ng pulis sa Tuguegarao
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

CAGAYAN – Nailigtas ng isang pulis sa tiyak na kamatayan ang mga pasahero ng isang pampasaherong bus na nagmula sa Manila matapos umanong ma-stroke ang driver nito habang sila ay bumibiyahe sa Tuguegarao City nitong Miyerkules.

“Nanginginig kamay ng driver, nanigas siya at patirik na mata saka bumula ang bibig kaya napilitan ako na i-manage ang manibela at naiwasang mabangga mga kasalubong na sasakyan” pahayag ni Senior Master Sgt. Roland Gacal, 38, taga-San Isidro, Isabela, at nakatalaga sa Dinapigue Police Station sa Isabela.

Aniya, ang insidente ay naganap sa Maharlika Highway, Libag Sur, Tuguegarao City nitong Pebrero 8.

Sa report ng pulisya, sugatan ang driver ng bus na si Jefferson Ballad, 45, taga-Garit Sur, Echague, Isabela, matapos bumangga sa bakod ng isang bahay ang minamanehong bus.

“Hindi naman maiwasang bumangga sa pader dahil nakatapak sa gasolina ang driver,” sabi ni Gacal.

Kaagad na binaba ni Gacal ang mga pasahero ng bus matapos ang insidente.

Binanggit pa na nahilo si Ballad kaya nawalan ng kontrol sa minamanehong bus. 

Sinabi ng pulisya, dakong 5:00 ng hapon ng Pebrero 7 nang umalis sa Cubao, Quezon City ang bus patungong Tuguegarao.

Previous Post

177,860 turista ang naitala sa Boracay noong Enero; datos, nakitaan ng 222% na pagtaas

Next Post

Mag-ina, patay sa sunog sa QC

Next Post
Mag-lola, patay sa sunog sa Caloocan City

Mag-ina, patay sa sunog sa QC

Broom Broom Balita

  • Rendon, may envelope mula sa ABS: ‘Ako ang tatapos sa era ni Coco Martin!’
  • ‘Kinontra kapatid?’ Haring Bangis, pinagsabihan utol na si Rendon Labador vs Coco Martin
  • ‘Toxic mindset’ na eksena sa Batang Quiapo: ‘Sangla bahay, lupa para sa debut?’
  • Cagayan, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol
  • Romnick Sarmenta, wafakels sa pagganap na bakla
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.