• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua

Richard de Leon by Richard de Leon
February 9, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Darryl Yap, kinumusta ang ‘middle finger’ ni Xiao Chua

Darryl Yap at Xiao Chua (Larawan mula sa Manila Bulletin/Balita)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinumusta ng direktor na si Darryl Yap ang historyador at propesor na si Xiao Chua matapos ibahagi ang ulat ng Balita patungkol sa tweet nito, na hinggil naman kay “Urduja.”

Si Urduja, na “legendary warrior princess” na sinasabing taga-Pangasinan, ay itatampok sa megaseryeng “Mga Lihim ni Urduja” na pagbibidahan nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, kasama pa ang nagbabalik-Kapusong si Sunshine Dizon. Ito ang sinasabing papalit sa patok na fantasy-historical drama series na “Maria Clara at Ibarra.”

“Alam ko as legend naman yung kuwento ng Urduja at fictional naman pero sana hindi na lang siya ang ginamit dahil hirap na hirap na kami ipaliwanag sa tao na si Urduja ay hindi tao mula sa Pilipinas at ang Talawisi ni Ibn Battuta ay hindi sa Pilipinas.”

“Narereinforce lang nito,” ayon sa tweet ng historyador nitong Pebrero 8.

Sa ulat ng Balita tungkol dito, makikitang naglapag ng komento ang direktor ng “Martyr or Murderer.”

“Ano raw? tinalo raw ni Urduja yung diktador?,” aniya.

Darryl Yap, nag-react sa pahayag ni Xiao Chua tungkol kay ‘Urduja’

Ibinahagi naman ni Yap ang ulat ng Balita sa kaniyang sariling Facebook account at nilagyan ng caption na “Good Morning sa’yo Xiao Chua, Kumusta na ang Middle Finger mo?”

Matatandaang nagkainitan ang dalawa dahil sa komento noon ni Yap patungkol sa mga historyador, sa panayam ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya.

“I don’t believe that historians should be a profession. I believe that historians are researchers. Masisipag sila na kumakalap ng mga impormasyon pero para sabihin na lahat ng isusulat nila ay 100% true at walang personal interpretation, ‘yun ang hindi ko matatanggap,” ani Yap.

Bagay na nakarating naman sa kaalaman ni Chua.

“Being a historian SHOULD not be a profession?” panimula ni Chua sa kaniyang tweet noong Agosto 4, 2022.

“I am just an ordinary person but with whatever little power I have, I will give my middle finger to you,” dagdag pa niya.

Nabalitaan naman ito ni Yap at saka sinagot, Agosto 5.

“Nakarating po itong generous offer n’yo sa’kin, kakacheck ko lang, mukhang ‘di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko— kung wala po kayong mapaglagyan n’yan… may suggestion po ako saan n’yo pwedeng itusok ‘yan—with whatever little power you have,” banat ng direktor na tila literal niyang sinagot ang pahayag ni Chua.

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Chua sa “pangungumusta” ng direktor.

Darryl Yap, sinagot si Xiao Chua: ‘Di ko kailangan kasi 2 pa rin naman ang middle finger ko’
Tags: Darryl Yapmiddle fingerUrdujaXiao Chua
Previous Post

Gen. Luna, Quezon LGU employees na 5 years nang single, may triple pay sa Valentine’s Day

Next Post

Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaki niyang isda sa Cagayan

Next Post
Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaki niyang isda sa Cagayan

Mangingisda, nakahuli ng halos kasinlaki niyang isda sa Cagayan

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.