• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 suspek sa pamamaslang sa utol ng mayor, patay sa ambush sa Negros

Balita Online by Balita Online
February 9, 2023
in Balita, Probinsya
0
2 suspek sa pamamaslang sa utol ng mayor, patay sa ambush sa Negros

Sina Danish Tim Moerch, 45, at Myla Ozoa Cagas habang naghihintay sa loob ng Valencia Police Station matapos silang palayain ilang oras bago sila ambusin sa Brgy. Balugo, Valencia nitong Miyerkules ng gabi.

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Patay ang dalawa sa tatlong suspek sa pamamaslang sa kapatid ni Valencia, Negros Oriental Mayor Edgar Teves, Jr. sa nasabing bayan ilang oras matapos silang palayain nitong Miyerkules ng gabi.

Sa report ng pulisya, nakilala ang dalawang napatay na sina Danish Tim Moerch, 45, taga-West Balabag, at Myla Ozoa Cagas, taga-Brgy. Cadawinon, Dumaguete City.

Pinatay sina Moerch at Cagas sa Brgy. Balugo, Valencia nitong Pebrero 8 ng gabi, ayon sa pulisya.

Nadamay sa insidente at binawian ng buhay ang asawa ni Moerch na si Karen Kate Cadiente.

Angkas ni Moerch si Cadiente sa motorsiklo nang barilin ng mga hindi nakikilalang lalaki.

Sina Moerch, Cagas at John Edward Remollo, taga-San Jose, ay suspek sa pagpatay kay Don Paulo Teves, kapatid ng alkalde, at anak ni dating Mayor Edgar Teves, Sr., nitong Lunes.

Natagpuan ang bangkay ni Teves na nakabalot ng kumot at plastic sa isang lugar sa Valencia. Nakitaan ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Matapos ang pagpatay kay Teves inaresto ang tatlong suspek.

Gayunman, iniutos ni Assistant Provincial Prosecutor Florence Ed Obial-Kadusale, na palayain sina Moerch at Cagas nitong Miyerkules dahil sa irregularidad sa pag-aresto sa mga ito.

May teorya ang pulisya na dating alitan ang motibo sa pamamaslang batay na rin sa rekord o blotter na isinapubliko ng pulisya.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag si Valencia police chief, Maj. Roger Quijano, kaugnay sa insidente hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Philippine News Agency

Previous Post

Isang Japanese store, naglunsad ng community pantry

Next Post

“Singing Karteros” ng Post Office, magpapakilig sa Araw ng mga Puso

Next Post
“Singing Karteros” ng Post Office, magpapakilig sa Araw ng mga Puso

“Singing Karteros” ng Post Office, magpapakilig sa Araw ng mga Puso

Broom Broom Balita

  • David, dedma sa kuda ni Raquel; Morissette, finallow sa IG
  • Tropang LOL, hindi raw titigbakin, pero ‘lilipat-bahay?’
  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.