• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

Richard de Leon by Richard de Leon
February 8, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

Willie Revillame (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isang palabang Willie Revillame ang napanood ng kaniyang mga tagasubaybay sa February 7 episode ng kaniyang programang “Wowowin” sa ALLTV, kung saan isa-isa niyang binanatan ang ilang showbiz personalities na umano’y nagsasalita laban sa kaniya kaugnay ng naging panawagan niya sa publiko na i-set aside ang politika patungkol sa isyung kinahaharap ngayon ng network.

Hindi pinangalanan ni Willie sa ngayon kung sino-sino ang mga naturang showbiz personalities na bumibira sa kaniya ngayon subalit batay sa mga pahayag ni Willie, ang mga personalidad na ito ay may “utang na loob” sa kaniya.

Minsan sa buhay nila ay humingi raw ng pabor ang mga ito sa kaniya noon, kaya nagtataka siya kung bakit binabanatan siya ngayon sa pamamagitan ng social media posts o vlogs.

Pagdidiin pa ni Willie, hindi raw siya nanunumbat sa tulong na ibinigay niya kundi nagpapaalala lamang sa mga “nakalilimot.”

“Masyado n’yo na akong inaapi. Masyado n’yo na akong sinasaktan. Hindi ako susuko sa inyo! I-vlog n’yo ako bukas! Pagtulung-tulungan n’yo ako, hindi ako natatakot! Yun ang gusto n’yo? Okay lang, sige! Tirahin n’yo ako araw-araw, minu-minuto, I don’t care! Kayo ang may utang na loob sa akin! Hindi ako! Tandaan n’yo ‘yan sa buhay n’yo!,” diretsahang pahayag ni Willie sa mga tinutukoy na personalidad.

Sa mga susunod na araw daw ay handa siyang magbitiw ng pangalan sa kung sino-sino ang mga tinutukoy niyang natulungan o lumapit sa kaniya noon.

Ang isa raw ay sinabihan siyang “mayabang” gayong dati raw binigyan niya ng isang condo unit sa Wil Tower, at kotse.

Ang isa naman daw ay binigyan niya ng ₱50k noong tumakbo itong konsehal subalit natalo. Sinasabihan raw siya ngayong nagmamakaawa.

Ang isa naman ay magaling daw sumayaw at nabigyan pa raw niya ng trabaho sa Wowowin subalit lagi raw inaantok at pa-Ingles-Ingles pa. Ang nanay at tatay raw nito ay pinatulog niya noon sa bahay niya sa Tagaytay.

Sinasabing sa mga susunod na araw ay magbabanggit ng mga pangalan si Willie kung hindi umano titigil ang mga showbiz personalities na ito, na patuloy siyang binabanatan.

Tags: ALLTVshowbiz personalitiesutang na loobwillie revillame
Previous Post

DAR, namahagi ng lupa sa mga magsasaka sa bansa

Next Post

‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin

Next Post
‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin

'Gusto mo giyera, nakahanda ako!' Cristy, tinalakan si Willie matapos ang 'litanya' sa Wowowin

Broom Broom Balita

  • Hanash ni Rufa Mae ukol sa ‘purity’, kabog sa rhyming!
  • Libre muna: NLEX connector mula Caloocan-España, binuksan na!
  • Semifinal round, winalis! Ginebra, pasok na ulit sa PBA Governors’ Cup finals
  • Netizens, nagwala at nauhaw; bet tikman buko juice ni David
  • May dagdag na ₱2/kilo: Palay ng mga magsasaka sa Leyte, bibilhin ng NFA
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.