• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’

Lance Romae Advincula by Lance Romae Advincula
February 8, 2023
in Balita, Showbiz, Showbiz atbp.
0
Toni Fowler, artista na; gaganap na best friend ni Lovi Poe sa ‘Batang Quiapo’

Photo from Toni Fowler/FB

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Masayang inanunsyo ng online personality na si Toni Fowler na bahagi siya ng ABS-CBN teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo” na pagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Sa isang Facebook post, ni-reveal ni Toni ang kanyang character name na “Chikey” at napuno naman ng excitement ang mga followers ng vlogger.

Sa naganap na press conference ng “Batang Quiapo,” ibinahagi ni Coco Martin, na siya ring direktor ng nasabing teleserye, na siya mismo ang pumili kay Toni para sa role.

“‘Nung nagbubuo ako ng community, sabi ko, naghahanap ako ng totoong tao kasi alam ko sa pamamagitan nila (mga vloggers), makakarelate ang maraming tao,” lahad ni Coco.

Kasabay naman ng pasasalamat ni Toni kay Coco sa oportunidad na ibinigay sa kanya, ikwinento nito ang magiging papel niya sa serye.

“Ang role ko dun ay ako ‘yung magiging bad influence na mag-iimpluwensiya kay Ms. Lovi, ang aking bessy na mapunta sa maling landas na ayaw mo maging kaibigan ng anak mo kasi maraming ganitong klase ‘di ba? Parang hala saan ka ba mapupuntang environment… ‘B.I.’ talaga,” aniya.

Dagdag pa ni Toni, hindi niya raw inaasahan ang pagtawid nito mula social media papunta sa telebisyon.

“Ako wala akong masabi, galing sa puso ko na sobrang thankful ako kasi hindi lahat ay nabibigyan ng (social media artist) pagkakataon na maging artista. Tulad nga ng sabi ko ‘nun kay direk, ‘Lahat ay pu-puwedeng mag-open ng sariling YouTube channel, pero hindi lahat nakakatungtong sa TV.’ So ‘yun pa lang sobrang thankful na kami. Isipin niyo po napakaraming mabibigat na artista pero sinasama niya po kami kahit saan, walang malaki, walang maliit, walang beterano, walang nagsisimula pa lang, so thank you po direk, maraming salamat po,” lahad ni Toni.

Mapapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa lahat ng ABS-CBN platforms simula sa darating na Lunes, Pebrero 13 at siyang papalit sa timeslot ng “Darna.”

Tags: Batang QuiapoToni Fowler
Previous Post

47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog

Next Post

Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’

Next Post
Neri sa birthday ni Chito Miranda: ‘Because of you, mas masarap mangarap’

Neri sa birthday ni Chito Miranda: 'Because of you, mas masarap mangarap'

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.