• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PRC, naka-high alert matapos ang malakas na lindol sa Turkey

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
February 8, 2023
in Balita, National / Metro
0
PH red Cross, lumampas na sa target sa national COVID-19 vaccination drive

(Philippine Red Cross / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria, naka-high alert ngayon ang Philippine Red Cross (PRC) sakaling magkaroon ng kahalintulad na pangyayari sa bansa. 

Base sa World Risk Index 2022, nangunguna ang Pilipinas sa panganib ng disaster at vulnerable ito hindi lang sa lindol, kundi maging sa iba pang kalamidad, gaya ng pagputok ng bulkan, storm surge, mga bagyo, pagbaha at maging tagtuyot.

Tiniyak naman ni PRC Chairman Richard Gordon na handang-handa silang rumesponde sakaling magkaroon ng mass casualty incident (MCI) sa bansa.

“As auxiliary to the government, the PRC has a Mass Casualty Incident, or MCI, protocol in place. We have trained emergency medical services and psychological first aid providers across the country, and they are ready to respond to people affected by an MCI,” ayon pa kay Gordon. 

Idinagdag pa ni Gordon na kabilang ang PRC sa mga nanguna sa pagresponde sa 7.2 magnitude earthquake sa Bohol noong 2013 at maging 7.0 magnitude earthquake sa Abra noong 2022.

Ang dalawang nabanggit na insidente ang itinuturing na pinaka mapaminsalang lindol na naganap sa bansa sa ika-21 siglo.

Nabatid na bilang bahagi naman ng kanilang paghahanda para sa malaking disaster, binisitang muli ng PRC ang preparedness protocol ng kanilang organisasyon para sa malalaking disaster base sa datos ng predicted impacts sa buhay at ari-arian ng isang high-magnitude earthquake sa Metro Manila. 

Naghahanda rin aniya ang PRC para sa logistical requirements upang kaagad na makapag-deploy ng mga rescue workers at humanitarian aid sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Binigyang-diin ni Gordon na dapat na maging handa ang bansa hindi lamang sa malalakas na lindol, kundi maging sa secondary effects ng mga ito, gaya ng landslides, tsunami, at maging sa mga tagas sa mga tubo na naghahatid ng natural at iba pang mga gas. 

Tags: philippine red cross
Previous Post

Turkish gov’t, nagpasalamat sa pangakong tulong, search and rescue team ng Pilipinas

Next Post

Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

Next Post
Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

Broom Broom Balita

  • PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip
  • Sino nga ba si Anna Mae Yu Lamentillo?
  • Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas
  • MWDs, isasama na sa cash aid beneficiaries ng Manila City Government
  • Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong
PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

PH boat, sinalpok ng Chinese cargo ship sa Mindoro–5 mangingisda, nasagip

December 7, 2023
Lamentillo, kinilalang ‘Notable Female Government Leader of the Year’

Sino nga ba si Anna Mae Yu Lamentillo?

December 7, 2023
Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

Implementasyon ng ‘No Registration, No Travel’ policy, luluwagan ngayong Xmas

December 7, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MWDs, isasama na sa cash aid beneficiaries ng Manila City Government

December 7, 2023
Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

Guilty: Dawit sa pagpatay kay Percy Lapid, 8 taon kulong

December 7, 2023
‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

‘RES-FAKE?’ Joey de Leon may pinasasaringan?

December 7, 2023
VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

VP Sara sa Neg Occ students: ‘Sikaping makapagtapos ng pag-aaral’

December 7, 2023
Auto Draft

Celiz, Badoy ‘normal’ ang kondisyon matapos ang House check-up

December 7, 2023
Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

Mga rescuer, nagtungo na sa pinagbagsakan ng eroplano sa Isabela — IMT

December 7, 2023
NCR, mananatili sa alert level 3; pilot areas para sa alert level system, pinalawig

Eksperto: Publiko, hindi dapat mabahala sa ‘walking pneumonia’  

December 7, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.