• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 8, 2023
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’

VIVA Live, Inc./Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasunod ng viral na performance ni Katrina Velarde sa kamakailang anniversary concert ni Maestro Louie Ocampo sa The Theatre at Solaire, naging diskusyon online ang pagtawag sa singer bilang “Asia’s Vocal Supreme.”

Ito’y nag-ugat sa caption ng VIVA Live Inc., sa kanilang Facebook post noong Lunes, Pebrero 6, sa mga larawang kinunan matapos ang pangmalakasang rendition ng singer para sa classic OPM hit na “Anak.”

Basahin: Piyesang para sana kay Sarah G, ‘nilamon’ ni Katrina Velarde sa isang concert kahit last minute inaral – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Lalo pang humanga ang kaniyang fans, nang aralin ng Pinay belter ang bagong aregla ng kanta sa loob lang ng isang araw.

“DAY 2 | Asia’s Vocal Supreme @katrinavelarde24 at Louie Ocampo Composer Ka Lang 45th Anniversary Concert at the The Theatre at Solaire, 🙌🏻” mababasa sa caption ng talent agency.

Bakit nga ba isyu ang mga bansag?

Kilala ang mga singer sa bansa na mayroong kaniya-kaniyang bansag kabilang na halimbawa si Asia’s Songbird Regine Velasquez, Asia’s Queen of Soul Jaya, Asia’s Phoenix Morissette Amon at Asia’s Fearless Diva Jona.

Ito’y kasunod ng kanilang prominenteng kontribusyon o tumatak na performance sa rehiyon. Matatandaan ang bestselling albums ni Songbird sa Asya habang nakilala sa kaniyang kakaibang tunog si Jaya.

Nakuha naman ni Morissette ang titulo nito matapos ang trending na Asia’s Song Festival performance niya noong 2018 sa South Korea kung saan pawang papuri lang ang natanggap ng singer.

Samantalang inani naman ni Jona ang bansag na “Asia’s Fearless Diva” dahil sa kaniyang malawak na vocal expertise sa kaliwa’t kanang music genre, liban pa sa kaniyang hanay ng World Championship of Performing Arts titles noong 2006.

Pag-alma ng isang netizen sa titulo ni Katrina: “Paano siya naging Asia’s?”

Facebook

“Abay malay ko. Wag ka na pasimpleng basher. Di ko din alam baket,” pagsagot ng singer sa netizen.

Sinegundahan pa ito ng singer sa isang Facebook post, Lunes din.

“Pano daw ako naging ASIA? Abay malay ko! Di ko din alam. Wag kayo mag alala, nag wowonder din ako baket 🤣 Lagi ko sinasabi pag iintroduce ako, Katrina Velarde lang. Kaya di ko din talaga alam, 🤣” sey ng singer.

Todo-resbak naman ang fans ng power diva sa malisyusong tanong.

“Katrina Velarde love you mamsh 🙂 You’re super galing, you deserve to be the Asia’s Vocal Supreme! Thank you for inspiring us, 🥰😘” komento ng isang fan.

“No matter what they say you are always shine bright like a diamond idol Ate kath ❤️💋😍😘 You are so amazing, 🤩 👏👏👏” segunda ng isa pa.

“Don’t mind them ate kat! Do it by ignoring them. I love you always! ❤️❤️❤️”

“Your title “Asia’s Vocal Supreme” is your signature name. And that only fits on you mamsh! See how acrobatics your vocals and your versatility are insane. And if you are wonder mamsh about your Asia kineme is because you’ve activated all the vocal techniques without undergoing in proper vocal lesson/teacher that’s how impressive you are mamsh! ❤️❤️✨” mahabang depensa ng isa pang fan.

“The people named you that, so be it. You deserve it. Idol.”

Sa kasalukuyang henerasyon, kadalasang naihahambing si Katrina sa dalawang kapwa power divas ng bansa na si Jona at Morissette.

Ang Pinay trio ang tinagurian ding “Vocal Trinity of the Philippines” ng fans.

Tags: Katrina Velarde
Previous Post

Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie

Next Post

Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng ‘Mga Lihim ni Urduja’

Next Post
Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng ‘Mga Lihim ni Urduja’

Xiao Chua, nagbigay ng saloobin tungkol sa nalalapit na megaseryeng 'Mga Lihim ni Urduja'

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.