• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda

Mary Ann Santiago by Mary Ann Santiago
February 8, 2023
in Balita, Metro, National / Metro
0
Lacuna: 935 estudyante ng public schools, nabigyan ng tig-P5K ayuda

Manila Mayor Honey Lacuna (Photo courtesy: MANILA PIO/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Iniulat ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Miyerkules na kabuuang 935 estudyante ang nabiyayaan ng tulong pinansiyal  ng Manila City Government.

Mismong si Lacuna ang nanguna sa distribusyon ng cash aid sa ilalim ng Educational Assistance Program (EAP) ng lungsod sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila nitong Martes, kasama sina Manila department of social welfare chief Re Fugoso at barangay chair Evelyn de Guzman.        

Ayon kay Fugoso, ang mga benepisyaryong mag-aaral ng public schools ay tumanggap ng P5,000 bawat isa at nagmula ang mga ito sa Districts 1,2,4,5 at Baseco. 
Sa kabuuan, ang halagang naipamigay sa elementary at high school students ay umabot sa mahigit P4.6 milyon.    

Ipinaliwanag ni Fugoso na ang mga nasabing estudyante na klinasipika bilang  ‘under case management’ ay humingi ng tulong sa pamahalaang lungsod dahil sa mahirap na katayuan sa buhay at imposible sa kanilang matustusan ang mga dagdag gastusin sa kanilang pag-aaral.    

Sa kanyang mensahe, nanawagan naman si Lacuna sa mga estudyanteng tumanggap ng ayuda na paghusayin ang kanilang pag-aaral at makatapos ng kanilang edukasyon.     

“Bagama’t hindi kalakihan, ang tulong na ito ay aming ibinibigay para kahit paano ay maibsan ang inyong pangaraw-araw na pangangailangan,” sabi ng lady mayor na idinagdag din na sa kabila na libre ang pag-aaral sa publiko ay hindi pa rin maiiwasan ang dagdag na gastusin.    

“Meron pa ring mga tustusin na kailangang gastusan kagaya ng projects at activities ng inyong mga anak na minsan, pino-problema ninyo kung saan kukunin ang panggastos. Bagamat P5,000 lang, dalangin po namin na makatulong ito sa inyo dahil ang inyong pamahalaan, gagawin ang lahat para lamang maitawid ninyo ang pag-aaral ng inyong mga anak,” dagdag pa nito.    

Muli ay umapela si Lacuna sa mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti, dahil ang diploma ang pinakamagandang regalo sa kanilang mga magulang.        

“Mag-aral lang kayo dahil ‘yan ang regalo sa inyong mga magulang na ginagawa lahat para lang matustusan ang inyong mga pangangailangan. Wala nang iba pang masaya pag kayo ay makapagtapos ng pag-aaral,” ayon kay Lacuna.    

Sa kabilang banda, umapela rin si Lacuna sa mga magulang na huwag na huwag  magsasawang gabayan ang kanilang mga anak at pagsikapang ibigay ang lahat ng pangangailangan nito dahil ang pamahalaang lungsod ay nagsisikap din upang maibigay ang lahat ng kailangang tulong ng mga estudyante.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna
Previous Post

DMW: First-time domestic helper pa-Kuwait, bawal muna

Next Post

47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog

Next Post
Angkas rider na suspek sa pagpatay sa motorista, arestado

47-anyos na lalaki, arestado dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril, pampasabog

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.