• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin

Richard de Leon by Richard de Leon
February 8, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin

Cristy Fermin at Willie Revillame (Screengrab mula sa FB/YT)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagsalita na ang showbiz insider na si Cristy Fermin hinggil sa naging palabang mga pahayag ni Wowowin host Willie Revillame, patungkol sa ilang showbiz personalities na bumibira raw sa kaniya gayong may utang na loob ito sa kaniya.

Pumalag si Cristy tungkol sa isang blind item ni Willie na binigyan niya ng isang condo unit sa Wil Tower at kotse noon, subalit ngayon ay tinawag siyang “mayabang.”

Agad daw na tinext ni Cristy ang anak-anakang si Willie nang mapanood ang video nito.

“Kaninang umaga ay tinext ko po si Willie Revillame, ang sabi ko, ‘Sana lang pinanood mo ng buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa ‘yo. Yung terminong mayabang, sinabi ko yun, pero iba pala ang interpretasyon mo. Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN. Bago ka magsalita, mag-isip ka muna, pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sayo, nakahanda ako!!!’ Tatlong exclamation marks po iyon at all caps po yung ‘nakahanda ako’. Dahil po dito ay tumawag siya,” kuwento ni Cristy sa February 8 episode ng “Cristy Ferminute.”

“Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung papaano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga patungkol sa kaniya, bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig, na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kaniya. Unang-una po mga kapatid, pinakaayoko po yun nanunumbat,” aniya.

Sey ni Cristy, kung tutulong daw ang isang tao at manunumbat naman pala, huwag na lang daw tumulong.

Ayon pa kay Cristy, hindi raw napanood nang buo ni Willie ang naging episode ng CFM kung saan lumabas ang salitang “mayabang.” Malamang daw ay nasulsulan ang TV host ng mga taong natatakot na magutom kapag nawala siya.

Sa kabila daw ng lahat ay mahal pa rin ni Cristy si Willie bilang anak-anakan. Hihintayin daw niya ang paghingi nito ng tawad sa Wowowin.

“Mahal kita bilang anak-anakan, hindi ko na kailangan sabihin na mahal pa rin kita at ang sabi mong huli, ‘Mamaya sa Wowowin, magsasalita ako. Hihingi ako ng tawad sa’yo.’ Aabangan ko ‘yan, Willie Revillame,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Cristy ang kaniyang panig tungkol sa sinasabing condo unit at kotseng ibinigay sa kaniya ni Willie.

Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya
Tags: Cristy Ferminwillie revillame
Previous Post

Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

Next Post

Robert Bolick, balik-NorthPort na!

Next Post
Robert Bolick, balik-NorthPort na!

Robert Bolick, balik-NorthPort na!

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.