• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong

Richard de Leon by Richard de Leon
February 9, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong

Marian Rivera, Lai Austria, at Dingdong Dantes (Larawan mula sa FB ni Lai Austria/Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binarda ng mga netizen ang “Family Feud” contestant na si Lai Austria matapos ang inintrigang caption niya sa Facebook post kasama ang TV host nitong si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

May pabirong caption kasi itong “Wait n’yo scandal namin” bagay na hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga ng “DongYan.”

Lai Austria at Dingdong Dantes (Screengrab mula sa FB ni Lai Austria)

Pamilyadong tao na raw si Dingdong kaya “inappropriate” daw ang caption ni Lai, lalo na’t baka mabasa pa ito ng mga anak nila sa hinaharap.

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman kay Lai at sinabing “funny post” lamang ito.

Dahil dito ay nag-trend ang pangalan ng misis ni Dingdong na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at pabiro pang sinabi ng netizens na mukhang may “makukulong sa banyo” kung hindi papalitan ang caption.

Ang birong ito ay mula sa isang kumakalat na tsika noon patungkol kay Marian kung saan isang aktres ang ikinulong umano niya sa banyo dahil sa selos.

Sa latest Facebook post ni Lai ay agad naman siyang nakinig sa netizens at inayos na ang kaniyang caption.

“Abangan n’yo love team namin mamayang 5:30pm sa Family Feud Philippines,” aniya.

Pabiro pa niyang dagdag, “”Isang sc*[email protected] lang kasi ang alam n’yo.”

Nagbiro pa si Lai kay Marian.

“Nananawagan ako kay Ate Marian Rivera ngayon araw lang,” aniya.

“Wag ka mag-alala Ate Marian Rivera ikaw thanks GOD ako thanks DOC at least parehas my O at D.”

Sa isa pang latest Facebook post naman ni Lai, makikita ang kaniyang sexy photo habang kumakain ng junk food na kapangalan ng TV host-drama actor.

“Ang sarap mo,” saad niya sa caption.

Si Lai Austria ay isang model, content creator, at negosyante.

Tags: dingdong dantesLai Austriamarian rivera
Previous Post

Robert Bolick, balik-NorthPort na!

Next Post

DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants

Next Post
COVID-19 reproduction number sa PH, nasa 1.55 na – OCTA

DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants

Broom Broom Balita

  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
  • Revilla, sumailalim sa laparoscopy para tanggalin na ang kaniyang gall bladder
  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.