• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie

Richard de Leon by Richard de Leon
February 9, 2023
in Balita, Showbiz atbp.
0
Cristy, inispluk ang dahilan kung bakit binigyan ng condo unit, kotse ni Willie

Cristy Fermin at Willie Revillame (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mataas ang emosyon ng showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa paglalahad niya ng kaniyang panig patungkol sa pinag-usapang mga litanya ni Wowowin host Willie Revillame, na bumibira sa ilang showbiz personalities na kung tutuusin daw ay may utang na loob sa kaniya, subalit sa isyung iniuugnay sa ALLTV, ay kung ano-anong tirada ang ipinupukol sa kaniya.

Walang binanggit na pangalan si Willie subalit inunahan na ito ni Cristy sa kaniyang February 8 episode sa radio program na “Cristy Ferminute.”

Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

Idinetalye ni Cristy kung paano ang naging takbo ng usapan nila ni Willie matapos sumambulat ang kontrobersiyal nitong mga pasabog sa Wowowin.

“Kaninang umaga ay tinext ko po si Willie Revillame, ang sabi ko, ‘Sana lang pinanood mo ng buo ang mga sinabi ko sa CFM tungkol sa ‘yo. Yung terminong mayabang, sinabi ko yun, pero iba pala ang interpretasyon mo. Kahapon, ipinagtanggol pa naman kita tungkol sa ABS-CBN.”

“Bago ka magsalita, mag-isip ka muna, pero kung gusto mo ng giyera sa kabila ng pagmamalasakit ko sayo, nakahanda ako!!!’ Tatlong exclamation marks po iyon at all caps po yung ‘nakahanda ako’. Dahil po dito ay tumawag siya.”

“Unang sagot ko pa lang, hindi ko alam kung papaano ko ilalarawan ang mga salita ko. Lahat siguro ng mga binitiwan kong salita kaninang umaga patungkol sa kaniya, bilang sagot, yung mga bagay na ayaw niyang marinig, na sa unang pagkakataon ay pinatikim at pinalasa ko sa kaniya. Unang-una po mga kapatid, pinakaayoko po yun nanunumbat,” aniya.

Sey ni Cristy, kung tutulong daw ang isang tao at manunumbat naman pala, huwag na lang daw tumulong.

Ayon pa kay Cristy, hindi raw napanood nang buo ni Willie ang naging episode ng CFM kung saan lumabas ang salitang “mayabang.” Malamang daw ay nasulsulan ang TV host ng mga taong natatakot na magutom kapag nawala siya.

Isinalaysay ni Cristy kung bakit binigyan siya ng condo unit at kotse ni Willie. Aniya, ni minsan daw ay hindi niya tinirhan ang condo unit na ibinigay nito.

Sa kotse naman, kamada raw ito sa kaniya ni Willie dahil sa paghilot niya sa bossing ng TV-5 na maipasok siya rito, noong umalis ito sa bakuran ng ABS-CBN. Dahil dito, nawala ang programang “Wowowee” at pinalitan ng “It’s Showtime.” Sa pag-alis ni Willie, isinama niya ang konsepto ng naturang noontime show upang mas makatulong sa mga nangangailangan. Sa pagdaan ng panahon, naging “Wowowin” na ito.

Tila balak na raw isauli ni Cristy ang condo unit na ibinigay nito sa kaniya dahil sa mga nasabi ni Willie tungkol dito. Ang kotse naman ay naibenta na niya.

“Ang akin lang po ay ganito. Bago magsalita, ‘wag maging pigsa na malayo pa ang karayom ay pumuputok na at pumuputak, hindi tama ‘yon, hindi tama ‘yon… anumang nagawa natin sa ating kapwa, ‘wag nating isinusumbat, ‘wag nating isinusudsod dahil ako, ang paniniwala ko ang tumutulong sa kapwa, kapag tumutulong tayo sa kapwa, nagpapautang tayo sa Diyos…” giit ni Cristy.

Ayon pa kay Cristy, hindi raw niya sisiraan si Willie sa kaniyang programa kung iyon daw ang iniisip nito. Isang kaibigan ang pinasalamatan nito matapos ipadala nang buo kay Willie ang kopya ng February 6 episode ng CFM; kung hindi ay baka galit na galit daw ito hanggang ngayon.

Nagpakatotoo lamang daw si Cristy sa publiko kung hindi niya sasabihing hindi mayabang ang TV host.

May paalala ulit siya kay Willie.

“Kung hindi mo nasaksihan, kung hindi mo nakita ang resibo, ‘wag kang magsasalita. Diyan ka lagi naiipit. Dapat pinanonood mo nang buo para malaman mo kung may malasakit ba ang taong nagsalita o wala, ‘yon lang ‘yon.”

“Nakakasakit po ng damdamin,” pag-amin pa ni Cristy. “Anong utang na loob ang dapat kong tanawin sa ‘yo Willie Revillame, magbilangan tayo,” medyo muling tumaas ang tinig na untag ng showbiz columnist.

“Masakit sabihin, masakit marinig, nagkatulungan tayong dalawa.”

Sa dulo ay ipinagdiinan ni Cristy na mahal niya si Willie bilang isang anak-anakan.

Nakiusap daw si Willie kay Cristy na ‘wag siyang iwanan sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa kaniya.

‘Gusto mo giyera, nakahanda ako!’ Cristy, tinalakan si Willie matapos ang ‘litanya’ sa Wowowin
Tags: Cristy Ferminwillie revillame
Previous Post

NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra

Next Post

Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’

Next Post
Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’

Netizen, kinuwestyon ang titulo ni ‘Asia’s Vocal Supreme’ Katrina Velarde: ‘Paano siya naging Asia’s?’

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.