• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Burluloy ni Taylor Swift sa Grammys 2023, tumataginting na P164-M ang halaga – report

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
February 12, 2023
in Celebrities, Features, Showbiz atbp.
0

Taylor Swift/Recording Academy via YouTube

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Literal na bejeweled ang global pop star na si Taylor Swift sa kaniyang entrada kamakailan sa red carpet ng Grammys 2023 kung saan inspired ang kaniyang look sa record-breaking “Midnights” album. Suot na mga alahas pa lang, milyones na dolyar na ang halaga!

Ito nga kamakailan ang usap-usapan matapos dumalo si Taylor sa inabangang 65th Grammy Awards.

Suot ng pop powerhouse ang midnight blue ensemble ng kilalang fashion designer na si Robert Cavalli. Bukod dito, agaw pansin din ang naglalakihang hikaw at singsing ni Taylor na inilarawang “statement piece of the night” sa isang ulat ng Variety.

Ayon sa inilabas na press release ng jewelry house Lorraine Schwartz, ang eksenadorang pares ng alahas ay mayroong 136 carats na “natural purple sapphires, paraibas at diamonds.”

Nasa kabuang $3 milyon ang halaga ng naturang jewelry ensemble o mahigit P164,000,000 sa kasalukuyang palitan ng dolyar at peso.

Basahin: Fans ni Taylor Swift, pabirong hinikayat na solusyonan ang mataas na presyo ng itlog sa US – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, matapos ang star-studded awards night, si Taylor ay wagi rin para sa “Best Music Video” category ng kantang “All Too Well” na siya rin ang nagsilbing direktor. Siya rin ang kauna-unahang artist na mayroong sole directing credit para sa sariling kanta.

Sa pag-uulat, mayroon nang 11 Grammy wins ang pop powerhouse.

Tags: Grammystaylor swift
Previous Post

TNT Tropang Giga, ipinalasap unang talo ng Converge

Next Post

DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa

Next Post
DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa

DA, naglaan ng P326-M para mapalakas ang produksyon ng sibuyas sa bansa

Broom Broom Balita

  • Hanash ni Rufa Mae ukol sa ‘purity’, kabog sa rhyming!
  • Libre muna: NLEX connector mula Caloocan-España, binuksan na!
  • Semifinal round, winalis! Ginebra, pasok na ulit sa PBA Governors’ Cup finals
  • Netizens, nagwala at nauhaw; bet tikman buko juice ni David
  • May dagdag na ₱2/kilo: Palay ng mga magsasaka sa Leyte, bibilhin ng NFA
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.